Ang Aking Buhay Ngayon

3/275

Itinatalaga Ko ang Lahat, 2 Enero

Kaya nga, mga kapatid, isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay ang inyong mga katawan na isang handog na buhay, banal, na kasiya-siya sa Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod. Roma 12:1 BN 6.1

Nananawagan ang Diyos para sa buong-pusong pagtatalaga sa Kanyang’mga pamamaraan. Kailangang maingat na linangin ang ating pinakamabubuting kakayahan. Ang ating mga talento ay ipinahiram sa atin ng Diyos para gamitin, hindi para baluktutin o abusuhin. Kailangang mapahusay ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit, upang magawa ng mga ito ang gawain ng Diyos. BN 6.2

Kailangan nating ibigay ang ating mga sarili sa paglilingkod sa Diyos, at dapat nating pagsikapang, gawing perpekto hangga't maaari ang ating mga handog. Hindi nalulugod ang Diyos sa mga bagay na mas mababa pa kaysa sa pinakamahusay na maaari nating maihandog. Iyong mga nagmamahal sa Kanya nang buong puso ay magnanais na mabigyan Siya ng pinakamahusay na paglilingkod ng buhay, at sila'y magpapatuloy sa pagsisikap na maitugma ang bawat kakayahan ng kanilang pagkatao sa pagkakatugma sa mga kautusan na magtataguyod ng kanilang kakayahang gawin ang Kanyang kalooban. BN 6.3

Kinakailangan ang personal na pagtatalaga, at hindi tayo magkakaroon nito malibang malinang at maitangi ang kabanalan ng puso. BN 6.4

Hayaang maging ganito ang iyong panalangin, “Kunin mo ako, O Panginoon, bilang ganap na sa Iyo. Inilalagak ko ang lahat ng aking mga panukala sa Iyong paanan. Gamitin mo ako ngayon sa Iyong paglilingkod. Manahan Ka sa akin, at hayaang ang lahat ng aking gawa ay magawa sa Iyo.” Ito ay isang pang-araw-araw na. BN 6.5

Ang pagsuko ng lahat ng ating mga kakayahan sa Diyos ay lubhang nagpapagaan ng problema ng buhay. Ito'y nagpapahina at pumupugto ng isang libong mga pagpupunyagi laban sa mga simbuyo ng likas na puso. Ang relihiyon ay tulad ay isang gintong lubid na nagbibigkis ng mga kaluluwa ng bata at matanda gaya nang kay Cristo. Sa pamamagitan nito, ang handa at masunurin ay dinadalang ligtas sa madilim at masalimuot na mga daan tungo sa lunsod ng Diyos.... BN 6.6

Ilang beses nang nailahad ang malalalim na mga bagay ng Diyos sa harapan natin, at gaanong kataas na dapat ang ating pagpahalaga sa mahahalagang pribilehiyong ito.... Ang maningning na mga sinag ng Kalangitan ay nagliliwanag sa iyong landas Tanggapin at pakaingatan ang bawat sinag mula sa Kalangitan, at ang iyong landas ay lalong magliliwanag nang magliliwanag hanggang sa ganap na araw. BN 6.7