Ang Aking Buhay Ngayon
Katotohanang Inilahad ng mga Propeta ng Diyos, 5 Pebrero
Tunay na ang Panginoong DIYOS ay walang gagawin, malibang kanyang ihayag ang kanyang lihim sa kanyang mga lingkod na mga propeta. Amos 3:7 BN 40.1
Noong hindi pa nakapapasok ang kasalanan, si Adan ay nagkaroon ng bukas na pakikipagtalastasan sa kanyang Manlalalang; ngunit mula noong inihiwalay ng tao ang kanyang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng pagsalangsang, ang buong katauhan ay nalayo sa kanyang mataas na pribilehiyo. Subalit sa pamamagitan ng panukala ng pagtubos, nabuksan ang isang daan kung saan ang mga nakatira sa lupa ay maaari pa ring magkaroon ng ugnayan sa langit. Ang Diyos ay nakipagtalastasan sa mga tao sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, at ang makadiyos na liwanag ay nabigay sa sanlibutan sa pamamagitan ng mga paghahayag sa Kanyang mga piling lingkod. “Ang mga taong inudyukan ng Espiritu Santo ay nagsalita mula sa Diyos” (2 Pedro 1:21). . . . BN 40.2
Siyang Walang-hanggan, sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu, ay nagtanyag ng liwanag sa mga puso at isipan ng Kanyang mga lingkod. Nagbigay Siya ng mga panaginip at pangitain, mga simbolo at anyo; at sila mismong tumanggap sa mga kapahayagan ng katotohanan ay kumakatawan din sa mga kaisipan sa pamamagitan ng lengguwahe ng tao. BN 40.3
“Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin, malibang kanyang ihayag ang kanyang lihim sa kanyang mga lingkod na mga propeta” (Amos 3:7). BN 40.4
Sa Kanyang kabutihan minarapat ng Panginoon na ituro at bigyang babala ang Kanyang bayan sa iba't ibang pamamaraan. Sa pamamagitan ng hayagang utos, sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan, at sa pamamagitan ng espiritu ng propesiya ay ipinakilala Niya sa kanila ang Kanyang kalooban. BN 40.5
Noong makalumang kapanahunan nagsalita ang Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng bibig ng mga propeta at mga apostol. Sa kasalukuyan Siya ay nangungusap sa kanila sa pamamagitan ng Patotoo ng Kanyang Espiritu. Hindi nagkaroon ng kapanahunan kaysa ngayon na tinuturuan Niya nang may higit na pagkamasugid ang Kanyang bayan tungkol sa Kanyang kalooban at sa landas na ninanais Niyang tahakin nila. BN 40.6
May natatanging kahalagahan ang iglesia ng Diyos sa sanlibutan ngayon—ang mga tagapag-ingat ng Kanyang ubasan—ang mga mensahe ng pagpapayo at paalala na binigay sa pamamagitan ng mga propeta na silang nagpaliwanag sa Kanyang walang-hanggang layunin para sa sangkatauhan. Sa pagtuturo ng mga propeta ang Kanyang pagibig para sa naliligaw na lahi at ang Kanyang panukala para sa kanilang kaligtasan ay malinaw na nahayag. BN 40.7