Ang Aking Buhay Ngayon

32/275

Si Abraham ay Nagtayo ng Dambana Saan Man Siya Nagtungo, 31 Enero

Nagpakita ang PANGINOON kay Abram at sinabi, “ Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong lahi. At siya'y nagtayo roon ng isang dambana sa PANGINOON na nagpakita sa kanya. Mula roon ay lumipat siya sa bundok na nasa silangan ng Bethel, at doon niya itinayo ang kanyang tolda, na nasa kanluran ng Bethel at nasa silangan ang Ai. Siya'y nagtayo roon ng dambana ng PANGINOON, at tinawag ang pangalan ng PANGINOON. Genesis 12:7, 8 BN 35.1

Ang buhay ni Abraham, ang kaibigan ng Diyos, ay buhay na puno ng panalangin. Saanman siya magtayo ng kanyang tolda, bumubuo siya malapit doon ng dambana kung saan siya nag-aalay ng handog sa umaga at sa hapon. Kapag ang kanyang tolda ay tinatanggal, nananatili ang altar. At nalalaman ng naggagalang Cananeo, habang lumalapit siya sa dambana, kung sino ang nanggaling doon. At kapag kanya nang naitayo ang kanyang tolda, aayusin niya ang dambana at sasamba sa nabubuhay na Diyos. BN 35.2

Kaya dapat maging mga liwanag sa sanlibutan ang mga tahanan ng mga Cristiano. . . . Mga ama at mga ina, sa bawat umaga at hapon tipunin ninyo ang inyong mga anak sa inyong tabi, at sa mapagpakumbabang panalangin ay iangat ang inyong mga puso sa Diyos upang humingi ng tulong. Ang inyong mga minamahal ay nalalantad sa tukso at sa pagsubok. Ang pang-araw-araw na mga kagulumihanan ay nasa landas ng bata at matanda. Silang nabubuhay na may pagtitiyaga, pagmamahal at kasiyahan ay kailangang manalangin. Ang tagumpay ay makakamit lamang sa pamamagitan ng tiyak at hindi matitinag na layunin, patuloy na pagbabantay at paghingi ng tulong sa Diyos. BN 35.3

Mga magulang, italaga ninyo sa Diyos sa bawat umaga ang inyong sarili at ang inyong parhilya para sa araw na iyon. Huwag ninyong isipin ang mga buwan o taon; ang mga ito'y hindi sa inyo. Ang tanging ibinigay sa inyo ay isang maiksing araw. Gumawa kayo sa mga oras nito para sa Panginoon na parang iyon na ang huling araw ninyo sa mundo. Ilatag ninyo ang lahat ninyong panukala sa harapan ng Diyos na isasagawa o isusuko sang-ayon sa Kanyang sasabihin. Tanggapin ninyo ang Kanyang mga panukalang kapalit nang inyo, bagaman ang pagtanggap dito ay nangangahulugang kailangang iwanan ang mga pinakamamahal ninyong mga proyekto. Sa ganitong paraan, ang buhay ay mahuhugis nang higit na sang-ayon sa banal na Halimbawa. BN 35.4

Tanging ang walang-hanggan lamang ang maghahayag ng mga mabubuting bunga ng mga oras ng pagsamba. BN 35.5