Ang Aking Buhay Ngayon

31/275

Ang Buhay ni Timoteo Bilang Isang Bunga ng Relihiyon sa Pamilya, 30 Enero

Subalit manatili ka sa mga bagay na iyong natutuhan at matatag na pinaniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino ka natuto, at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Gristo Jesus. 2 Timoteo 3:14,15 BN 34.1

Iyong nag-aangkin sa pangalan ni Cristo ay nararapat na hindi makaligtaan ang pagtatatag ng altar sa pamilya, kung saan maaari nilang hanapin Siyang may pagsusumikap na gaya nang sa pagtitipon. BN 34.2

Maaari nating matutuhan ang mga ganitong mahahalagang aral sa buhay at karakter ni Timoteo. Mula sa pagkabata ay natutuhan niya ang Kasulatan. Ang relihiyon ang siyang hininga ng kanyang tahanan. Ang kabanalan ng kanyang buhay sa tahanan ay.. .dalisay, madamdamin at hindi nadudungisan ng mga kaisipang bulaan.... Ang Salita ng Diyos ay naging gumagabay na panuntunan kay Timoteo. Tumanggap siya ng pagtuturo, mula sa bawat linya, sa bawat alituntunin, kaunti dito at kaunti doon. At ang espirituwal na kapangyarihan ng mga aralin na ito ay iningatan siyang dalisay sa pananalita at malaya mula sa mga nakasasamang damdamin. Ang mga nagbibigay sa kanya ng mga aralin sa loob ng tahanan ay nakipagkaisa sa Diyos sa pagtuturo sa kabataang itong tanggapin ang mga pasanin na darating sa kanya sa murang edad.... BN 34.3

Ang mga aral ng Biblia ay may impluwensyang moral at relihiyoso sa karakter habang ito'y isinasakabuhayan. Natutuhan at isinagawa ni Timoteo ang mga araling ito. Wala siyang taglay na mga natatanging talento, ngunit ang kanyang gawain ay mahalaga dahil ginamit niya ang mga ibinigay ng Diyos na kakayahan at itinalaga ang mga kaloob sa paglilingkod sa Diyos. Ang kanyang matalinong kaalaman sa katotohanan at karanasan sa kabanalan ay nagbigay sa kanya ng kaibahan at impluwensya. Natagpuan ng Banal na Espiritu kay Timoteo ang isang kaisipang maaaring hubugin at ayusin upang maging templong pananahanan ng Banal na Espiritu. BN 34.4

Dapat na ilagay ng mga kabataan ang kanilang mga sarili sa ilalim ng pagtuturo ng Banal na Kasulatan at ihabi ang mga ito sa pang-arawaraw na mga kaisipan a’t praktikal na pamumuhay. Kung magkagayon sila'y magtataglay ng mga,kakayahang binibilang na pinakamarangal sa mga bulwagan sa kalangitan’ Itatago nila ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ang kanilang mga buhay ay magsasaysay ng Kanyang kaluwalhatian. BN 34.5