Ang Aking Buhay Ngayon
Sambahin Mo ang Diyos at Maging Mapayapa, 29 Enero
Lahat ng iyong anak ay tuturuan ng PANGINOON; at magiging malaki ang kasaganaan ng iyong mga anak. Isaias 54:13 BN 33.1
Ang iyong tahanan ay maliit na sanlibutan Kayo ang dapat magpasya kung pipiliin ng inyong mga anak ang paglilingkod sa Diyos o paglilingkod sa kayamanan, walang-hanggang buhay o walang-hanggang kamatayan.... BN 33.2
Gaya ng mga patriyarka noong unang panahon, silang nag-aangkin na nagmamahal sa Diyos ay dapat magtayo ng altar para sa Kanya kung saan sila nagtatayo ng kanilang tolda.... Hayaang ang ama, bilang pari ng sambahayan, ay maglagak sa altar ng handog sa umaga at sa hapon, habang ang asawang babae at ang mga anak ay nagkakaisa sa panalangin at pagpupuri. Gusto ni Jesus manatili sa ganitong tahanan. BN 33.3
Isang banal na liwanag ang dapat lumiwanag sa bawat tahanang Cristiano. Dapat na mahayag ang pag-ibig sa bawat pagkilos. Dapat itong umagos sa lahat ng pag-uusap sa loob ng tahanan na nakikita sa maalalahaning kabutihan, sa maamo at hindi makasariling paggalang. May mga tahanan na nagsasagawa ng prinsipyong ito—mga tahanan kung saan sinasamba ang Diyos at naghahari ang pinakatunay na pagibig. Mula sa mga tahanang ito ang panalangin sa umaga at sa hapon ay umaakyat sa Diyos bilang matamis na insenso, at ang Kanyang mga kahabagan at biyaya ay bumababa doon sa nagsusumamong gaya ng hamog sa umaga. BN 33.4
Iangat natin ang ating mga paningin sa bukas na pintuan sa santuwaryo sa itaas, kung saan lumiliwanag ang liwanag ng kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Cristo, na “may kakayahang iligtas ng lubos ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya.”... BN 33.5
Ang kaluluwa ay maaaring umakyat nang papalapit sa kalangitan sa pamamagitan ng mga pakpak ng pagpupuri. Ang Diyos ay sinasamba sa pamamagitan ng awit at musika sa mga bulwagan sa kaitaasan, at habang ating inihahayag ang ating pagpapasalamat, ating tinutularan ang pagsamba ng mga hukbo sa langit. “Ang naghahandog ng awit ng pasasalamat ay nagpaparangal” sa Diyos. Tayo ay lumapit sa harapan ng ating Manlalalang na may “ pagpapasalamat at tinig ng awit.” BN 33.6