Ang Aking Buhay Ngayon

274/275

Bakit Pinahintulutan ang Malaking Tunggalian, 30 Disyembre

At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Diyos na lumalang ng lahat ng mga bagay; upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Diyos. Efeso 3:9,10 BN 277.1

Para sa ano pa pinahintulutang magpatuloy ang malaking tunggalian sa loob ng maraming kapanahunan? Bakit hindi pinutol ang buhay ni Satanas sa simula pa lamang ng kanyang pag-aaklas?—Ito ay para mapatunayan sa sansinukob ang katarungan ng Diyos sa Kanyang pakikitungo sa kasamaan, para makatanggap ang kasalanan ng walang hanggan kahatulan. Sa panukala ng pagtubos ay may mga kataasan at kalalimang hindi maaarok ng walang hanggan mismo, mga kamanghaang ninanais matunghayan ng mga anghel. Tanging ang mga tinubos lamang, sa lahat ng mga nilalang, ang nakakilala sa aktuwal na pakikipagtunggali sa kasalanan sa kanilang karanasan; sila'gumawang kasama si Cristo, at pumasok sa pakikisama sa Kanyang mga kahirapan, na hindi magagawa ng mga anghel.. .. BN 277.2

“At tayo'ibinangong kalakip Niya. At pinaupong kasama Niya sa sangkalangitan, kay Cristo Jesus.” BN 277.3

Habang tumutunghay ang mga bayan ng mga natubos sa kanilang Manunubos, at natatanaw ang walang hanggang kaluwalhatian ng Ama na nagliliwanag sa Kanyang mukha; habang kanilang tinitingnan ang Kanyang luklukan, na mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan, at napag-aalaman na ang Kanyang kaharian ay walang wakas, sila ay bumubulalas sa masayang awitan. . . . BN 277.4

Ang kahabagan, pagkamagiliw, at pag-ibig ng magulang ay makikitang nahaluan ng kabanalan, katarungan, at kapangyarihan. Habang ating minamasdan ang Kanyang luklukan, na mataas at maringal, nakikita natin ang Kanyang karakter sa mga pahayag na mahabagin, at nauunawaan, na hindi gaya ng dati, ang kahalagahan ng mahal na pangalang iyon na, “Ama namin.”.. . BN 277.5

Ang bunga ng pakikipagtunggali ng Tagapagligtas sa mga kapangyarihan ng kadiliman ay kasiyahan sa mga natubos na tungo sa kaluwalhatian ng Diyos sa buong walang hanggang kapanahunan. BN 277.6