Ang Aking Buhay Ngayon

272/275

Hahawiin ang Talukbong, 28 Disyembre

Sapagkat ngayo'y malabo tayong nakakikita sa isang salamin, ngunit pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan. 1 Gorinto 13:12 BN 275.1

D oon, kapag naalis ang talukbong na nagpapadilim sa ating pananaw, at nakatanaw ang ating mga mata sa mundong iyon ng kagandahang nasisilip lamang atin sa mieroseope; kapag tumingin tayo sa mga kaluwalhatian ng mga kalangitan, na natutunghayan ngayon sa pamamagitan ng teleskopyo; kapag naalis ang hapdi ng kasalanan, mamamalas ang buong sanlibutan “sa kagandahan ng Panginoon nating Diyos,” gaano kagandang larangan ang mabubuksan sa ating pag-aaral! Doon mababasa ng mag-aaral ng siyensya ang mga tala ng paglalang, at walang makikitang alaala ng kautusan ng kasamaan. Maaari siyang makinig sa musika ng mga tinig ng kalikasan, at walang maulinigang nota ng pag-iyak o kalungkutan. Sa lahat ng mga bagay na nilalang maari niyang mabatid ang isang sulat-kamay—sa malawak na sansinukob makita “ang pangalan ng Diyos na nasusulat na malaki,” at sa lupa o sa langit walang nalalabi ni isang tanda ng kasamaan. . .. BN 275.2

Mabubuksan sa mag-aaral ng kasaysayan ang walang hanggang saklaw ng isip at ng hindi maipahayag na mga kayamanan. Dito, mula sa Salita ng Diyos, nabibigyan ang mag-aaral ng pananaw ng malawak na larangan ng kasaysayan, at maaaring magkaroon ng kaalaman ng mga prinsipyong nangingibabaw sa mga pangyayari sa katauhan. Ngunit nalalambungan pa rin ang kanyang pananaw at hindi sakdal ang kanyang kaalaman. Hindi niya makikita nang malinaw ang lahat ng mga bagay hanggang sa tumayo siya sa liwanag ng walang hanggan. . . . BN 275.3

Hahawiin ang talukbong na namamagitan sa mundong nakikita at doon sa hindi nakikita, at malalahad ang mga kamangha-manghang mga bagay. . . . BN 275.4

Doon makikita ang lahat na gumawang may espiritung hindi makasarili ang mga bunga ng kanilang paghihirap. Makikita ang resulta ng bawat tamang prinsipyo at marangal na gawain. .. . Gaano kakakaunti sa mga bunga ng pinakamarangal na gawain sa sanlibutan ang nahahayag sa kasalukuyan doon sa gumawa! . . . Humihiga ang mga magulang at mga guro sa kanilang huling himlayan, na tila walang kabuluhan ang gawain ng kanilang buong buhay; hindi nila nalalamang nagbukas ang kanilang katapatan ng mga bukal ng pagpapalang hindi mahihinto sa pag-agos. . . , at mauulit ng isang libong beses ang kanilang impluwensya. . . . Sa kabilang buhay malalahad ang mga gawa at ang bunga ng lahat ng ito. BN 275.5