Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Pribilehiyo ng Harapang Pakikipagniig sa Diyos, 27 Disyembre
At hindi ako nakakita ng teinplo doon: sapagka 't ang Paginoong Diyos, ang ntakapangyarihan sa lahat, at ang Kordero ay siyang teinplo doon. Apoealipsis 21:22 BN 274.1
Ang bayan ng Diyos ay may pribilehiyong magkaroon ng ngayo'y Malabo tayong nakakakita sa isang salamin.” Ating natutunghayan ang wangis ng Diyos na naaaninag, gaya sa salamin, sa mga gawa sa kalikasan at sa Kanyang pakikitungo sa mga tao; ngunit makikita natin Siya nang mukhaan, na walang lumalambong na talukbong sa pagitan. Tatayo tayo sa Kanyang presensya at tatanaw sa kaluwalhatian ng Kanyang mukha. BN 274.2
Maaari natin Siyang tawagin sa mahal na pangalang, “Ama Namin,” na siyang tanda ng ating pagmamahal para sa Kanya at sumpa ng Kanyang magiliw na pagtingin at pakikitungo sa atin. At ang Anak ng Diyos, sa pagtingin sa mga tagapagmana ng biyaya, “hindi Siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid.” May higit na banal na ugnayan sila sa Diyos kaysa mga anghel na hindi nagkasala. BN 274.3
Ang lahat ng pagmamahal mula sa amang bumaba sa bawat henerasyon sa daluyan ng mga puso ng mga tao, ang lahat ng bukal ng pagkamagiliw na nabuksan sa mga kaluluwa ng mga tao, ay maliit na agos lamang sa malawak na karagatan kung ihahambing sa walang hanggan at hindi mauubos na pag-ibig ng Diyos. BN 274.4
Ang kalangitan ay walang humpay na paglapit sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Habang tumatagal na nasa langit tayo ng kasiyahan, lalo at higit pang kaluwalhatian ang mabubuksan sa atin; at higit nating makikilala ang tungkol sa Diyos, at magiging higit na maigting ang ating kasiyahan. BN 274.5
At ano nga ba ang kasiyahan ng kalangitan kundi ang makita ang Diyos? Anong higit na tuwa ang maaari pang dumating sa makasalanang naligtas ng biyaya ni Cristo kaysa tumingin sa mukha ng Diyos at makilala Siya bilang Ama? BN 274.6
Gaano kalaking kaaliwan ang maidudulot ng pagtingin sa Kanya dito sa pamamagitan ng paningin ng pananampalataya, upang tayo ay maging gaya Niya sa pamamagitan ng pagtingin. Ngunit ano namang ligaya ang makita Siya kung ano Siya talaga, na walang lumalambong na talukbong? BN 274.7