Ang Aking Buhay Ngayon

270/275

Sumambang Magkasama, 26 Disyembre

Noong pasimula, nagpahinga ang Ama at ang Anak noong Sabbath pagkatapos ng kanilang gawain ng paglalang. Noong “ nayari ang Iangit at lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon” nagalak ang Manlalalang at ang lahat ng mga nilalang sa langit sa pagbubulay-bulay sa maluwalhating tanawin. “Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga at ang lahat ng mga anak ng Diyos ay naghihiyawan sa kagalakan.” . .. BN 273.1

Kapag nagkaroon ng “panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng Kanyang mga banal na propeta buhat pa nang una,” ang Sabbath ng paglalang, ang araw kung kailan naratay si Jesus sa puntod ni Jose, ay magiging araw pa rin ng pamamahinga at katuwaan. Magkakaisa ang langit at ang Iupa sa pagpupuri, habang “mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago” yuyukod ang mga bayan ng mga naligtas sa magalak na pagsamba sa Diyos at sa Kordero. BN 273.2

Walang ibang kautusang kikilalanin ang mga bansa ng mga naligtas maliban sa kautusan ng langit. Magiging isang masaya at nagkakaisang sambahayan ang lahat, na nadadamitan ng mga kasuotan ng papuri at pasasalamat. Sa ibabaw ng tanawin, aawit na magkasama ang mga anak ng umaga, at sisigaw sa kasiyahan ang mga anak ng Diyos.. . . BN 273.3

“At mangyayari na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ng Panginoon.” “At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagkat sinali ta ng bibig ng Panginoon.” “Pasisibulin ng Panginoong Diyos ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat ng mga bansa.” “Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa Kanyang bayan.” BN 273.4

Habang nananatili ang langit at ang lupa, magpapatuloy ang Sabbath bilang paalala ng kapangyarihan ng Maylalang. At kapag muling umusbong ang Eden sa lupa, pararangalan ng lahat sa ilalim ng araw ang banal na araw ng kapahingahan ng Diyos. BN 273.5