Ang Aking Buhay Ngayon

269/275

Makinig sa Koro ng mga Anghel, 25 Disyembre

At biglang nakisatno sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Diyos, at nangagsasabi: Luwalhati sa Diyos sa kataastaasan, at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya. Lueas 2:13-14 BN 272.1

Wala pang ipinanganak sa sanlibutan, maging ang pinakamapalad sa mga anak ng Diyos, na nabigyan ng pagtatanghal ng kasiyahang gaya nang bumati sa Sanggol na ipinanganak sa Betlehem. BN 272.2

Ang mga anghel . . . ay nagpakita sa mga abang pastol, na nagbabantay ng kanilang mga kawan sa gabi sa kapatagan ng Betlehem. . . . Dumating sa kanila ang anghel ng Panginoon, at nagsabing, “Huwag kayong mangatakot; sapagkat narito, dadalhan ko kayo ng mabubuting balitang malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan. Sapagkat ipinanganak sa inyo sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon. At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang sabsaban.” Hindi pa nga nasasanay ang kanilang mga mata sa maluwalhating presensya ng isang anghel nang nagliwanag ang buong kapatagan sa kamangha- manghang kaluwalhatian ng karamihan ng mga anghel na dumating doon sa kapatagan ng Betlehem . . . , lahat ay nagpupuri sa Diyos, at nagsasabing, “Luwalhati sa Diyos sa kataastaasan, at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.” BN 272.3

Pagkatapos ay narinig ng mga tao ang musika ng kalangitan, at bumalik sa langit ang makalangit na koro habang kanilang tinatapos ang hindi malilimutang awitin. Napawi ang liwanag . . . ; ngunit nanatili sa mga puso ng mga pastol ang pinakamaliwanag na larawang kailanman ay hindi natanaw ng mga nilalang, at ang mapalad na pangako at kasiguruhan ng pagdating sa ating mundo ng Tagapagligtas ng mga tao, ay pumuno sa kanilang mga puso ng kasiyahan at katuwaan, na hinaluan ng pananampalataya at kamangha-manghang pag-ibig sa Diyos. BN 272.4

Sana ay makilala rin ngayon ng sambahayan ng mga tao ang awiting iyon! Ang paghahayag na nagawa noon, ang inawit nota, ay lalakas hanggang sa katapusan ng panahon at aalingawngaw hanggang sa mga dulo ng sanlibutan. Kapag bumangon ang Araw ng Katuwiran, na may paghilom sa kanyang mga pakpak, ang awit na iyon ay muling aalingawngaw ng tinig ng napakaraming tao, na gaya ng lagaslas ng maraming tubig, na nagsasabing, “Aleluia! sapagkat naghahari ang Panginoong nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat.” BN 272.5

Sapagka 't kung paanong ang mga bagong langit at ang mga bagong lupa, na Aking lilikhain ay mananatili sa harap Ko, sabi ng Panginoon, gayon mananatili ang iyong lahi, at ang iyong pangalan. At mangyayari, na mula sa bagong buwan hanggang sa panibago, at mula sa isang Sabbath hanggang sa panibago, paroroon ang lahat na tao upang sumamba sa harap Ko, sabi ng Panginoon. lsaias 66:22, 23 BN 272.6