Ang Aking Buhay Ngayon

268/275

Maglakbay sa mga Malalayong Sanlibutan, 24 Disyembre

Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka 't sila'mga malilinis. At ang mga ito'ang nagsisisunod sa Kordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero. Apocalipsis 14:4 BN 271.1

A ng lahat ng mga kayamanan ng sansinukob ay mabubuksan sa pag-aaral ng mga tinubos ng Diyos. Hindi napipigilan ng kamatayan, lumilipad silang walang kapagalan sa mga malalayong sanlibutan—mga sanlibutang umiyak sa kalungkutan sa tanawin ng kahirapan ng sangkatauhan at umalingawngaw sa awitan ng kasiyahan sa balita ng isang kaluluwang naligtas. Taglay ang hindi mabigkas na katuwaan, papasok ang mga anak ng lupa sa kasiyahan at katalinuhan ng mga nilalang na hindi nagkasala. Ibinabahagi nila ang mga kayamanan ngkaalaman at pag-unawang nakamit sa pamamagitan ng pagbubulay sa mga ginawa ng Diyos sa loob ng walang hanggang mga panahon. Taglay ang paninging na hindi nalalambungan, tatanaw sila sa luwalhati ng paglalang—mga araw at bituin at mga sistemang lahat, sa kanilang nakatalagang kaayusan ay umiikot sa luklukan ng Diyos. Sa lahat ng mga bagay, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, nasusulat ang pangalan ng Manlalalang, at nahayag sa lahat ang kayamanan ng Kanyang kapangyarihan. BN 271.2

At ang mga taon ng walang hanggan, habang lumilipas ang mga ito, ay magdadala ng higit na mayayaman at higit pang maluwalhating mga pahayag ng Diyos at ni Cristo. Kung paanong sumusulong ang kaalaman, gayundin lumalago ang pag-ibig, pagpapahalaga, at kaligayahan. Habang higit na natututo ang mga tao tungkol sa Diyos, mas hihigit pa ang kanilang paghanga sa Kanyang karakter. Habang binubuksan sa kanila ni Jesus ang mga kayamanan ng pagtubos, at ang mga kamangha-manghang nakamtan sa dakilang pakikipagtunggali kay Satanas, umaalingawngaw ang mga puso ng mga tinubos na may higit na masigasig na pagmamahal, at taglay ang higit na kasiyahan, kanilang pinapatunog ang kanilang mga alpang ginto, at sampung libo ng sampung libo at libu-libong mga tinig ay magsasama upang palakasin ang malakas na koro ng papuri. . . . BN 271.3

Nagwakas na ang dakilang tunggalian. Wala na ang kasalanan at mga makasalanan. Malinis na ang buong sansinukob. Tumitibok ang iisang pulso ng pagkakaisa at kasiyahan sa buong lawak ng paglalang. Mula sa Maylalang sa lahat, umaagos ang buhay at liwanag at katuwaan sa lahat ng mga mundo ng walang hanggang kalawakan. Mula sa pinakamaliit na atom hanggang sa pinakamalaking sanlibutan, ang lahat ng mga bagay,... sa kanilang hindi nalalambungang kagandahan at sakdal na kaligayahan ay nagsasabing ang Diyos ay pag-ibig. BN 271.4