Ang Aking Buhay Ngayon

267/275

Tuturuan ni Cristo ang mga Tinubos, 23 Disyembre

Nasusulat sa mga propeta, At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa to 't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumapit sa Akin. ]uan 6:45 BN 270.1

Sa paaralan ni Cristo ay hindi nagtatapos ang mga mag-aaral. Kasama matatanda at mga bata sa mga estudyante. Silang tumutupad sa mga payo ng Banal na Tagapagturo ay palaging susulong sa kaalaman, kapinuhan, at karangalan ng kaluluwa, at sa ganitong kaparaanan sila ay nahahandang pumasok sa higit na mataas na paaralan, kung saan ang pagsulong ay magpapatuloy sa buong walang hanggan.... BN 270.2

Ang mamuhay nang walang hanggan sa tahanang ito ng mga pinagpala, ang taglayin sa kaluluwa, katawan, at espiritu, hindi ang madidilim na mga anino ng kasalanan at ng sumpa, kundi ang ganap na wangis ng ating Manlalalang, at sa Ioob ng walang tigil na mga kapanahunan ay sumulong sa kaalaman, sa katalinuhan at kabanalan, na palaging nagsasaliksik sa mga bagong larangan ng pag-iisip, na palaging nakakahanap ng bagong mga kamanghaan at mga bagong kaluwalhatian, na palaging lumalago sa kakayanan na kumilala at masiyahan at umibig, at ang malamang may higit pang kasiyahan at pag-ibig at kaalamang walang hanggan—ito ang layunin na itinuturo ng pag-asang Cristiano. BN 270.3

Sa mundong darating, dadalhin ni Cristo ang mga tinubos sa ilog ng buhay at tuturuan sila ng mga kahanga-hangang aral ng katotohanan. Bubuksan niya sa kanila ang mga hiwaga ng kalikasan. Makikita nilang isang matalinong kamay ang siyang humahawak sa mundo sa kanyang posisyon. Makikita nila ang galing na ipinamalas ng Dakilang Pintor sa pagkulay sa mga bulaklak sa parang, at matutuhan nila ang mga layon ng mahabaging Ama, na nagbibigay ng bawat sinag ng liwanag, at, kasama ng mga anghel, ang mga tinubos ay kikilala sa pamamagitan ng mga awitin ng papuri at pasasalamat sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa sanlibutang hindi marunong magpasalamat. Kung magkagayon ay mauunawaang “gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” BN 270.4

Siya (Cristo) ay magbibigay ng saganang mga kamalig ng kaalaman. Ilalahad Niya ang mga hiwaga sa kabutihan ng Diyos na hindi natin maunawaan sa buhay na ito. BN 270.5

*****

Kinakailangan tayong tumanggap ng edukasyon dito na magbibigay sa atin ng kakayanang mabuhay kasama ang Diyos sa Ioob ng mga walang hanggang kapanahunan. Ang edukasyong sinisimulan dito ay gagawing ganap sa langit. Papasok lamang tayo sa higit na mataas na antas. BN 270.6