Ang Aking Buhay Ngayon

265/275

Maayos na Samahan, 21 Disyembre

Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa rnga maligayang dako. Awit 16:6 BN 268.1

Ang mga pag-ibig at simpatyang tinanim mismo ng Diyos sa kaluluwa ay makahahanap doon ng pinakatotoo at pinakamatamis na gamit. Ang dalisay na pakikipagniig sa mga banal na mga nilalang, ang maayos na pakikisama sa mga mapapalad na mga anghel at sa mga tapat mula sa bawat kapanahunan, na naghugas ng kanilang mga kasuotan at pinaputi ang mga ito sa dugo ng Kordero, ang mga banal na ugnayan na magtatali sa “bawat sangbahayan sa langit at sa lupa”—ang mga ito ang tumutulong na bumuo sa kasiyahan ng mga natubos. BN 268.2

Sa gitna ng karamihang natubos ay naroon ang mga alagad ni Cristo, ang matapang na si Pablo, ang masigasig na si Pedro, ang inibig at umiibig na si Juan, at ang kanilang mga tapat na mga kapatid, at kasama nila ang malaking hukbo ng mga martir. BN 268.3

Puno ng kasiyahan ang langit. Umaalingawngaw ito sa papuri Niyang gumawa ng napakabuting sakripisyo para sa katubusan ng sangkatauhan. Hindi ba dapat maging puno ng papuri ang iglesia? Hindi ba dapat ipahayag sa buong sanlibutan ang kasiyahan ng paglilingkod kay Cristo? Silang mga nasa langit na sasama sa koro ng mga anghel sa kanilang awit ng papuri ay kailangang matuto dito sa lupa ng awit ng kalangitan, na pagpapasalamat ang pinakatema. BN 268.4

Marangal at mataas ang lahat ng bagay sa kalangitan. Nagnanasa ang lahat para sa kapakinabangan at kasiyahan ng kanyang kapwa. Walang naglalaan ng kanilang sarili sa pangangalaga sa sarili lamang. Pinakadakilang kasiyahan ng lahat ng mga banal na nilalang ang sumaksi sa kasiyahan at kaligayahan ng mga nakapalibot sa kanila. BN 268.5

Kung ikaw ay may mga pagsubok dito, at ikaw ay nalulumbay, tumingin ka palayo sa madilim na sanlibutang ito patungo sa maliwanag na kaluwalhatian ng langit. Ituon mo ang iyong pagtingin sa mga makalangit na kasiyahan, at ikaw ay hindi makadarama ng napakalalim tungkol sa mga pagsubok at kabiguan dito sa buhay na ito, sapagkat mararamdaman mong ikaw ay may tahanan sa kaluwalhatian, isang putong, isang alpa, at isang napakagandang Tagapagligtas doon. Magsikap ka para sa pinagpalang manang ipinangako sa kanilang umiibig sa Kanya at nag-iingat ng Kanyang mga utos. BN 268.6