Ang Aking Buhay Ngayon

264/275

Gumawa Para sa Kaluguran at Kasiyahan, 20 Disyembre

At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangag-uubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain, sapagkat kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay. Isaias 65:21, 22 BN 267.1

Doon umaangat ang mga malalawak na mga kapatagan patungo sa mga burol ng kagandahan, at ipinapakita ng mga kabundukan ng Diyos ang matatayog nilang mga tuktok. Sa mga mapayapang kapatagang iyon, sa tabi ng mga nabubuhay na sapa, ang bayan ng Diyos, na napakatagal naging mga peregrino at manlalakbay ay makahahanap ng isang tirahan. BN 267.2

“At ang bayan Ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dakong pahingahan” BN 267.3

Sa binagong sanlibutan, gaganap ang mga tinubos sa mga gawain at kalugurang nagdala ng kasiyahan kina Adan at Eva noong pasimula. Isasakabuhayan ang buhay sa Eden, ang buhay sa halamanan at sa kabukiran. ” At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan at sila'y mangag-uubasan, at mangagsisikain ng bunga niyaon.” BN 267.4

Doon lilinangin ang bawat kapangyarihan, pagyayamanin ang bawat kakayanan. Isusulong ang pinakadakilang gawain, maaabot ang pinakamataas na mga pagnanasa, makakamit ang pinakamatayog na pangarap. At magkakaroon ng mga panibagong kataasan na dapat abutin, mga bagong kamanghaan upang hangaan, mga bagong katotohanang kailangang maunawaan, mga sariwang paksa ng pag-aaral na tatawag sa mga kapangyarihan ng pangangatawan at kaisipan at kaluluwa. BN 267.5

Tiyak na magkakaroon ng gawain sa kalangitan. Hindi mabubuhay ang buong sambahayan ng mga natubos sa kalagayan ng pangangarap at pananatiling walang ginagawa. May nananatiling kapahingahan para sa bayan ng Diyos. Sa langit ang gawain ay hindi magiging nakapapagal at mabigat; ito ay magiging kapahingahan. Ang buong sambahayan ng mga natubos ay makahahanap ng kasiyahan nila sa paglilingkod sa Kanya na Siyang nagmamay-ari sa kanila sa pamamagitan ng paglalang at ng pagtubos. BN 267.6

Sa napapagal at nabibigatang Iubos, sa kanilang nakipaglaban sa mabuting paglalaban ng pananampalataya, ito ay magiging maluwalhating kapahingahan, dahil ang kabataan at kalakasan ng kawalang kamatayan ay magiging kanila, at hindi na nila kailangang makipaglaban sa kasalanan at kay Satanas. BN 267.7