Ang Aking Buhay Ngayon

263/275

Ang mga Kaluwalhatian ng Ating Makalangit na Tahanan, 19 Disyembre

At ang malaking bahagi ng kuta mya ay jaspe: at ang bayan ng dalisay ginto, na katulad ng malinis na bubog. Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay ealeedonia; ang ikaapat ay Esmeralda. Apoealipsis 21:18, 19 BN 266.1

Ang maluwalhating lunsod ng Diyos ay may labindalawang pintuan, na ang bawat isa ay may mga perlas na pinakamaluwalhati. Ito ay mayroon ding labindalawang pugalang may iba 't ibang kulay. Ang mga lansangan sa lunsod ay dalisay na ginto. Sa lunsod na ito naroon ang luklukan ng Diyos, at ang isang dalisay, magandang ilog na nagmumula dito, na kasing linaw ng kristal. Ang kumikinang na kadalisayan at kagandahan nito ay nagbibigay kaluguran sa lunsod ng Diyos. Malayang makaiinom ang mga banal sa mga nakapagpapagaling na mga katubigan ng ilog ng buhay. . . . BN 266.2

Ang lahat ng mga mukha ay magpapaaninag sa wangis ng Manunubos. Hindi na magkakaroon ng nangangamba at nagugulumihanang mga pagmumukha, kundi ang lahat ay magiging maliwanag at ngingiti sa walang bahid na kadalisayan. Naroon ang mga anghel, at gayundin ang mga banal na nabuhay mag-uli kasama ang mga martir, at ang pinakamabuti sa lahat at Siyang magbibigay sa atin ng pinakadakilang katuwaan, ang ating kaaya-ayang Tagapagligtas, na nagdusa at namatay upang tayo ay magkamit ng kasiyahan at kalayaan, ay naroon.—Ang Kanyang maluwalhating mukha ay kikinang na may kaliwanagan ng araw, at siyang magpapaliwanag sa magandang lunsod at magpapaaninag ng kaluwalhatian sa palibot nito. BN 266.3

Mapaparoon ang mga bata. Hindi sila masasangkot sa pag-aaway o hindi pagkakasundo. Magiging masigasig at banal ang kanilang pag-ibig. Magkakaroon din sila ng koronang ginto sa kanilang mga ulo at alpa sa kanilang mga kamay. At ang kanilang mga maliliit na mga mukha, na dito ay madalas nating nakikitang nagugulumihanan at nag-aalala, ay magliliwanag na may banal na kasiyahan, na nagpapahiwatig ng kanilang ganap na kalayaan at kasiyahan. . .. BN 266.4

Magkakaroon ng mga korona ng kaluwalhatian ang mga banal sa kanilang mga ulo at mga alpang ginto sa kanilang mga kamay. Sila ay tutugtog sa mga gintong alpa at aawit ng pag-ibig na tumutubos, at gagawa ng musika para sa Diyos. Malilimutan na ang kanilang mga dating pagsubok at mga paghihirap sa sanlibutang ito at mawawala sa gitna ng mga kaluwalhatian ng Bagong Lupa. At lagi silang magtataglay ng mga tumatanggap na ngiti ni Jesus, at magiging ganap ang kanilang kasiyahan. . . . Magiging lubos na maluwalhati ang tahanan ng mga banal sa hinaharap. BN 266.5