Ang Aking Buhay Ngayon
Sa Piging ng Kasalan, 18 Disyembre
Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon na kasalan ng Kordero. Apoealipsis 19:9 BN 265.1
Ginagamit ang pag-aasawa sa kapwa Lumaat Bagong Tipon upang ilarawan ang matimyas at banal na ugnayang nangingibabaw sa pagitan ni Cristo at ng Kanyang bayan. Sa isip ni Jesus, tumuturo ang kagalakan ng mga kasiyahan sa kasalan sa hinaharap na kasiyahan ng araw na iyon kung kailan Kanyang iuuwi ang Kanyang asawang babae sa tahanan ng Ama, at uupo ang mga tinubos kasama ng Manunubos sa piging ng kasalan ng Kordero. Sinasabi Niyang, “Sapagkat kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang Iyong mga anak na lalaki sa Iyo.” “Hindi ka na tatawagin pang Pinabayaan; . . . kundi ikaw ay tatawaging Aking Kaluguran . . . sapagkat nalulugod ang Panginoon sa iyo.” “Siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; Siya'y magpapahinga sa Kanyang pag-ibig; Siya'y magagalak sa iyo na may pag-awit.” Noong ibinigay ang tanawin ng mga makalangit na bayan sa apostol na si Juan, isinulat niyang, “At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi, ‘Aleluya: sapagkat naghahari ang Panginoong ating Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagkat dumating ang pagkakasal ng Kordero, at angKanyang asawa ay nahahanda na.” “Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Kordero.” BN 265.2
Nakita ni Jesus sa bawat kaluluwa ang isang kailangang tawagin sa Kanyang kaharian. BN 265.3
Sa pagtanggap sa kaharian, darating Siya sa Kanyang kaluwalhatian, bilang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, para sa kaligtasan ng Kanyang bayan, na “magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaae, at ni Jacob” sa Kanyang hapag sa Kanyang kaharian, upang kumain sa piging ng kasalan ng Kordero. BN 265.4