Ang Aking Buhay Ngayon

261/275

Kumain sa Punungkahoy ng Buhay,17 Disyembre

Sa gitna ng lansangan yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba 't ibang bunga, na namumunga sa bawa 't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. Apoealipsis 22:2 BN 264.1

Mula sa luklukan ay may lumabas na dalisay na ilog ng tubig, at naroon sa magkabilang pampang ng ilog ang punungkahoy ng buhay.... Maluwalhati ang bunga; ito ay tila gintong hinaluan ng pilak Ang bunga ng punungkahoy ng buhay sa Halamanan ng Eden ay nagtataglay ng kabutihang makalangit. Ang kumain nito ay nangangahulugan ng mabuhay magpakailanman. Ang bunga nito ay gamot sa kamatayan. Ang mga dahon nito ay para sa pagpapatuloy ng buhay at kawalang-kamatayan Pagkatapos ng pagpasok ng kasalanan, inilipat ito ng makalangit na Maghahalaman sa Paraiso sa kaitaasan. BN 264.2

Ang mga banal na tinubos, na umibig sa Diyos at nag-ingat sa Kanyang mga kautusan dito, ay papasok sa mga pintuan ng lunsod, at magkakaroon ng karapatan sa punungkahoy ng buhay. Sila ay kakain nang malaya dito gaya ng ating mga unang magulang bago sila mahulog sa pagkakasala. Ang mga dahon ng walang-kamatayan at mayabong na punong iyon ay para sa pagpapagaling ng mga bansa. Mawawala ang lahat ng kanilang suliranin. Ang karamdaman, kalungkutan, at kamatayan ay hindi na nila muli pang mararamdaman, dahil pinaghilom na sila ng mga dahon ng punungkahoy ng buhay. At makikita ni Jesus ang mga pinaghirapan ng Kanyang kaluluwa at masisiyahan Siya, kapag ang mga natubos, na napasailalim ng kalungkutan, paghihirap, at mga pasakit, na umungol sa ilalim ng sumpa, ay magtitipon sa palibot ng punungkahoy ng buhay upang kumain ng bungang walang-kamatayan. Dati ay isinuko ng una nating mga magulang ang karapatan sa bungang ito sa pamamagitan ng paglabag sa mga kautusan ng Diyos. Wala nang panganib na muli pang mawala ang karapatang ito sa punungkahoy ng buhay, dahil siyang nanukso sa una nating mga magulang ay wawasakin ng ikalawang kamatayan. BN 264.3

Sa punungkahoy ng buhay na iyon ay naroon ang pinakamagandang bunga, na malayang makakain ng mga banal.... Ang pinakamabuting wika ay mabibigong ilarawan ang kaluwalhatian ng kalangitan o ang walang katulad na lalim ng pag-ibig ng Tagapagligtas. BN 264.4