Ang Aking Buhay Ngayon

260/275

Isang Magandang Lupain, 16 Disyembre

At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik. Nguni 't ngayon ay nagnanasa sila sa lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Diyos na tawaging Diyos nila; sapagka 't ipinaghanda sila ng isang bayan. Hebreo 11:15,16 BN 263.1

ng pangambang gawing tila labis na materyoso ang darating na katotohanang nagtuturo sa ating tumingin dito bilang ating tahanan. Tiniyak ni Cristo sa Kanyang mga alagad na aalis Siya upang maghanda ng mga tirahan para sa kanila sa tahanan ng Ama. Iyong mga tumatanggap ng mga aral ng Salita ng Diyos ay hindi magiging ignorante tungkol sa makalangit na tahanan. Ngunit “ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, ni hindi pumasok sa puso ng tao, anomang mga bagay na inihanda ng Diyos sa kanila na nangagsisiibig sa Kanya.” Hindi sapat ang wika ng tao upang ilarawan ang gantimpala ng mga matuwid. Makikilala lamang ito nilang makakikita dito. Walang kaisipang makawawatas sa kaluwalhatian ng Paraiso ng Diyos. BN 263.2

Sa Biblia, ang mana ng mga naligtas ay tinatawag na isang lupain. Doon pinangungunahan ng makalangit na Pastol ang Kanyang kawan sa mga bukal ng nabubuhay na tubig. Ang Punungkahoy ng Buhay ay namumunga bawat buwan, at ang mga dahon ng puno ay para sa paglilingkod ng mga bansa. Doon ay mayroong mga sapang laging umaagos. Kasing linaw ng bubog, sa tabi nila ay nagbibigay ng kanilang Iilim ang mga kumakaway na mga puno sa mga landas na inihanda para sa mga tinubos ng Panginoon. BN 263.3

Ang damuhan ay magiging nabubuhay na luntian, at hindi malalanta. Magkakaroon ng mga rosas at mga liryo at lahat ng uri ng bulaklak doon. Ang mga ito ay hindi magkakaroon ng kabulukan o malalanta o mawawalan ng kanilang kagandahan at bango. BN 263.4

Ang leon, na dapat nating katakutan dito, ay hihiga kasama ang kordero, at ang lahat ng bagay sa Bagong Lupa ay may kapayapaan at kaayusan. Ang mga puno sa Bagong Lupa ay magiging tuwid at matataas, na walang kasiraan. BN 263.5

Sa Bagong Lupa walang mga hanging malamig, walang mga pagbabagong hindi kanais-nais. Ang kapaligiran ay palaging angkop at malusog. BN 263.6