Ang Aking Buhay Ngayon

259/275

Makikilala Natin ang Isa 't Isa, 15 Disyembre

Sapagka 't ngayo'malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni 't pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo'nakikilala ko ng bahagya, nguni 't pagkatapos ay makikilala ko nggaya naman ng pagkakilala sa akin. 1 Corinto 13:12 BN 262.1

Sa mga mansyon sa kaitaasan, magkikita-kita tayong hindi na muli pang maghihiwalay. Makikilala natin ang isa 't isa sa ating makalangit na tahanan. BN 262.2

Makikita at makikilala ng mga natubos ang mga taong kanilang itinuro sa Tagapagligtas na napako sa krus. Anong pinagpalang pakikipagtalastasan magkakaroon sila sa mga kaluluwang ito! “Ako'ymakasalanan,” sasabihin nilang, “na walang Diyos at walang pag- asa sa mundo, pagkatapos ay dumating ka sa akin at itinuro ako sa mahalagang Tagapagligtas bilang tangi kong pag-asa”. . . . Ang iba naman ay magsasabing, “Ako'y isang pagano sa malalayong lupain. Iniwan mo ang iyong mga kaibigan at maalwang tahanan at dumating upang turuan ako kung paano hanapin si Jesus at ngayon ay nananampalataya ako sa Kanya bilang nag-iisang tunay na Diyos. Sinira ko ang lahat ng aking mga diyus-diyosan at sumamba sa Diyos, at ngayon ay nakikita ko Siya nang mukhaan. Ako ay naligtas, sa walang hanggan naligtas, na laging titingin sa Kanya na aking iniibig. . . BN 262.3

Ang iba naman ay magpapahayag ng kanilang pasasalamat sa kanilang nagpakain sa mga nagugutom at nagbihis sa mga hubad. “Noong ang aking kaluluwa ay nababalot ng kawalang pag-asa dahil sa kawalang pananampalataya, ipinadala ka ng Panginoon sa akin,” sinasabi nilang, “upang mangusap ng pag-asa at kaaliwan. Dinalhan mo ako ng pagkain para sa aking mga pangangailangang pisikal, at binuksan mo sa akin ang Salita ng Diyos, na ginigising ako sa aking mga pangangailangang espirituwal. Itinuring mo ako bilang kapatid. Nakiisa ka sa akin sa aking kalumbayan, at pinanumbalik ang aking nasugatan at may pasang kaluluwa, upang ako ay makapanghawak sa kamay ni Cristo na nakaunat upang ako ay iligtas. Sa aking kawalang kaalaman, matiyaga mo akong tinuruan na ako ay may Ama sa langit na nag-aaruga sa akin. Ang aking puso ay napalambot, napasuko, at nabasag habang aking iniisip ang sakripisyong ginawa ni Cristo para sa akin. . . . Ako ay narito, naligtas, naligtas sa walang hanggan, na palaging mabubuhay sa presensya Niya at magpupuri sa Kanyang nagbigay ng Kanyang buhay para sa akin.” BN 262.4

Anong kasiyahan ang magaganap habang ang mga naligtas na ito ay magkikita-kita at babatiin silang nagdala ng pasanin para sa kanila! At silang nabuhay hindi upang parangalan ang kanilang mga sarili, kundi upang maging pagpapala sa mga sawimpalad na mayroong labis na kakaunting mga pagpapala—gaano magagalak ang kanilang mga puso sa kasiyahan! BN 262.5