Ang Aking Buhay Ngayon
Magkakapisan-pisan Muli ang mga Pamilya, 14 Disyembre
lyong pigilin ang iyong tinig sa pag-iyak at iyong mga mata sa mga luha: sapagka 't gagantihin ang iyong mga gawa sabi ng Panginoon; at sila'y mag sisibalik na muli sa lupain ng kaaway. At may pag-asa sa iyong huling wakas, sabi ng Panginoon; at ang iyong mga anak ay magsisiparoon uli sa kanilang sariling hangganan. Jeremias 31:16, 17 BN 261.1
Si Cristo ay darating na may mga ulap at may dakilang kaluwalhatian. . . . Darating Siya upang buhayin ang mga patay, at baguhin ang mga buhay ng mga banal mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian Magkakaroon ng muling pagdurugtong ng tanikala ng pamilya. BN 261.2
O, kamangha-manghang pagtubos! Matagal na pinag-usapan, matagal nang inaasahan, iniisip na may pananabik. . . . BN 261.3
Nabago ang mga nabubuhay na matuwid “sa isang sandali, sa isang kisap mata” Naluwalhati sila sa tinig ng Diyos; ginawa sila ngayong imortal, at kasama ng mga binuhay na mga banal, tinangay silang pataas upang salubungin ang kanilang Panginoon sa hangin. Ang mga anghel ay “titipunin ang Kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanlibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.” BN 261.4
Dinala ng mga banal na anghel ang mga maliliit na bata sa mga bisig ng kanilang mga ina. Muling magsasama ang mga magkaibigang matagal na pinaghiwalay ng kamatayan, na hindi na muling maghihiwalay, at sa awit ng kasiyahan ay magkasamang aangat tungo sa lunsod ng Diyos. BN 261.5
Taglay ang hindi mabigkas na kasiyahan, makikita ng mga magulang ang korona, ang kasuotan, ang alpa, na ibinibigay sa kanilang mga anak. Nawakasan na ang mga araw ng pag-asa at pangamba. . . . Natubos na ang kanilang mga anak. BN 261.6
Doon ay makikita natin sa bawat panig ang mga magagandang mga puno ng Paraiso, naroon sa gitna nila ang puno ng buhay. Doon ay makikita nating taglay ang paninging walang paglabo ang mga naibalik na kagandahan ng Eden. Doon ay ilalagak natin sa paanan ng ating Manunubos ang mga koronang Kanyang ipinatong sa ating mga ulo, at sa paghawak natin sa mga gintong alpa, maghahandog tayo ng papuri at pasasalamat sa Kanyang nakaupo sa luklukan. . . . Nawa makabilang kayong Iahat doon sa mga papasok sa mga pintuang perlas sa lunsod ng ating Diyos. Nawa kayo, bilang mga pamilyang hindi nasira, ay manahan nang walang hanggan sa kanlungan ng kapahingahang iyon. Tulungan nawa kayo ng Diyos ngayon na magsikap para sa korona ng buhay. BN 261.7