Ang Aking Buhay Ngayon

256/275

Wala Nang Kasalanan, 12 Disyembre

At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Kordero ay naroroon: at Siya'y paglilingkuran ng Kanyang mga alipin; at makikita nila ang Kanyang mukha; at ang Kanyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. Apoealipsis 22:3, 4 BN 259.1

Napawi na ang bawat bahid ng sumpa. . . . Isang alaala na Iamang ang nananatili: palagi nang tataglayin ng ating Manunubos ang mga tanda ng Kanyang pagkakapako sa krus. Sa Kanyang nasugatang ulo, sa Kanyang tagiliran, sa Kanyang mga kamay at mga paa, ay matatagpuan ang mga nalabing marka ng malupit na ginawa ng kasalanan. Sinabi ng propeta, sa pagtunghay kay Cristo sa Kanyang kaluwalhatian na, “Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa Kanyang kamay; at doo'y nakukubli ang Kanyang kapangyarihan.” Iyong dinurong tagiliran na dinaluyan ng mapulang agos na siyang nagkasundo sa tao at sa Diyos—naroon ang luwalhati ng tagapagligtas, “doo'y nakukubli ang Kanyang kapangyarihan.” ldquo; Makapangyarihan upang magligtas,” sa pamamagitan ng sakripisyo ng pagtubos, kaya 't Siya'y naging malakas upang magsagawa ng katarungan sa kanilang nagtatwa sa kahabagan ng Diyos. At ang mga sagisag ng Kanyang pagkadusta ay Siyang Kanyang pinakamataas na karangalan; sa loob ng walang hanggang mga panahon ang mga sugat ng Kalbaryo ay magpapakita ng Kanyang kapurihan at maghahayag ng Kanyang kapangyarihan. .. . BN 259.2

Dumating ang panahon na tinatanaw ng mga banal na mga lalaking may pagnanasa mula pa noong hadlangan ng nag-aapoy na tabak iyong unang mag-asawa mula sa Eden—ang panahon “para sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Diyos.” Ang lupang naunang nabigay sa tao bilang kanyang kaharian, at kanyang ipinagkanulo sa mga kamay ni Satanas, at hinawakan nang napakatagal ng malakas na kaaway, ay naibalik ng dakilang panukala ng pagtubos. Naibalik ang lahat ng nawala dahil sa pagkakasala. . . . Naganap ang naunang layunin ng paglalang ng sanlibutan habang ito ay ginawang walang hanggang tahanan ng mga natubos. “Mamanahin ng matuwid ang lupain, at tatahan doon magpakailan man.” BN 259.3

At malulugod tayo kung gayon kasama Niya sa lahat ng kaluwalhatian ng sanlibutan na darating sa loob ng walang hanggan— Sa kaharian ng Diyos, wala nang gagambala o mang-iinis. Ito ang buhay na ipinangako sa magtatagumpay—isang buhay ng kasiyahan at kapayapaan, isang buhay ng pag-ibig at kagandahan. . . . Wala nang kasalanan, walang gumagambalang alalahanin, walang makasisira sa kapayapaan ng mga naninirahan. BN 259.4