Ang Aking Buhay Ngayon

255/275

Tagumpay sa Kamatayan, 11 Disyembre

At papahiran niya ang bawat luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay napawi na. Apoealipsis 21:4 BN 258.1

Mayroon tayong Tagapagligtas na buhay at nabuhay na maguli. Sinira Niya ang mga tanikala ng libingan matapos Siyang maratay doon ng tatlong araw, at sa tagumpay ay inihayag Niya sa ibabaw ng nasirang libingan ni Jose, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli at ang kabuhayan.” At Siya ay darating. Naghahanda ba tayo para sa Kanya? Nakahanda ba tayo upang kung tayo man ay matulog, maaari nating gawin itong may pag-asa kay Jesu-Cristo? . . . BN 258.2

Malapit nang dumating ang Tagapagbigay ng buhay . . . upang sirain ang mga tanikala ng libingan. Kanyang ilalabas ang mga bihag . . . . Tungkol sa libingan at sa puntod ang huling mga kaisipan nila, ngunit ngayon ay ipinapahayag nilang, “Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?” Hapdi ng kamatayan ang huli nilang naramdaman... . Sa kanilang pagbangon, wala na ang lahat ng kirot. “Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay?” Tatayo sila rito, at ipinapahid sa kanila ang huling guhit ng kawalang kamatayan, at hahayo sila upang salubungin ang kanilang Panginoon sa hangin. Iimbay ang mga pintuan ng lunsod ng Diyos sa mga bisagra nito,... at papasok ang mga natubos ng Diyos sa pagitan ng mga kerubin at mga serafin. Tatanggapin sila ni Cristo at ipapatong sa kanila ang bendisyon. “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin... pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.” Ano ang kasiyahang iyon? Nakikita Niya ang pinaghirapan ng Kanyang kaluluwa, at Siya'y nalulugod. . . . Narito ang isang taong ating ipinagsumamo sa Diyos sa gabi. Naroon ang isang taong ating kinausap noong siya ay nakaratay at malapit nang mamatay, at kanyang ibinitin ang kanyang kaluluwa kay Jesus. Narito ang isa pang dati ay abang lasenggo. Sinubukan naming turuan siyang ituon ang kanyang paningin sa Kanyang makapangyarihan upang magligtas, at sinabi namin sa Kanyang maaari siyang bigyan ni Cristo ng tagumpay. Naroon ang mga korona ng walang hanggang kaluwalhatian sa kanilang mga ulo. BN 258.3

Doon, doon ay walang kabiguan, walang kalumbayan, walang kasalanan, wala magsasabing, “Ako'y may karamdaman.” Doon, doon ay wala prusisyon sa libingan, walang pagdadalamhati, walang kamatayan, walang paghihiwalay, walang mga pusong wasak; at si Jesus ay naroon, ang kapayapaan ay naroon. . . . Sa Kanyang presensya ay may lubos na kasiyahan, sa Kanyang kanang kamay ay mga kasiyahang magpakailanpaman! BN 258.4