Ang Aking Buhay Ngayon
Araw ng Pagpuputong ng Korona ni Cristo, 8 Disyembre
Mga dakila at kagilagilalas ang lyong mga gawa, Oh Panginoon Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang lyong mga daan, Ikaw na Hari ng mga bansa. Apoealipsis 15:3 BN 255.1
S a araw na iyon magniningning ang mga natubos sa kaluwalhatian ng Ama at ng Kanyang Anak. Ang mga anghel ng langit, habang pinatutunog ang kanilang mga gintong alpa, ay tatanggap sa Hari, at silang mga tanda ng Kanyang tagumpay—silang nahugasan at pinaputi sa dugo ng Kordero. Aalingawngaw ang isang awit ng tagumpay na pumupuno sa buong kalangitan. Nagtagumpay si Cristo. BN 255.2
Pumapasok Siya sa mga bulwagan ng kalangitan kasama ang Kanyang mga tinubos, ang mga saksi na ang Kanyang misyon ng paghihirap at sakripisyo ay hindi sa walang kabuluhan. BN 255.3
Sa pinakakaitaasan ng lunsod, nakapatong sa pundasyon ng nagniningas na ginto, ay may isang luklukan, na mataas at nakaangat. Nakaupo sa luklukang ito ang Anak ng Diyos, at naroon sa palibot Niya ang mga lingkod ng Kanyang kaharian. Ang kapangyarihan at karangyaan ni Cristo ay hindi mailalarawan ng anomang wika, hindi maiguguhit ng anomang pluma. Nakapalibot ang kaluwalhatian ng Walang Hanggang Ama sa Kanyang Anak. Pumupuno ang kaliwanagan ng Kanyang presensya sa lunsod ng Diyos at lumalabas sa mga pintuan nito, na bumabaha sa buong lupain sa kaliwanagan nito. BN 255.4
Ang pinakamalapit sa luklukan ay ang mga dati ay naging masigasig sa gawain ni Satanas, ngunit, kagaya ng mga dupong na inagaw sa apoy, sumunod sila sa kanilang Tagapagligtas na may malalim at taimtim na pagtatalaga. Sumusunod sa kanila iyong mga nagpadalisay sa karakter na Cristiano sa gitna ng kasinungalingan at kawalang katapatan, silang nagbigay parangal sa kautusan ng Diyos samantalang ipinahayag itong walang-bisa ng Cristianong sanlibutan, at ang mga milyun-milyon mula sa lahat ng kapanahunang pinatay dahil sa kanilang pananampalataya. At pagkatapos nila ay ang “lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawat bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan, at sa harapan ng Kordero, na nangararamtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay.” Nagwakas ang pakikidigma, napanalunan na ang kanilang tagumpay. Kanilang tinakbo ang karera at naabot ang gantimpala. . . . BN 255.5
Sa presensya ng nagtipong mga nilalang ng lupa at ng langit magaganap ang huling pagpuputong sa Anak ng Diyos. BN 255.6