Ang Aking Buhay Ngayon
Nailigtas ang Bayan ng Diyos, 6 Disyembre
At ang pinagtutubos ng Panginoon a\j mangagbabalik, at magsisiparoong nag-aazoitan sa Sion; at ang walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hiniga ay mapaparam. Isaias 35:10 BN 253.1
Sa hatinggabi ipinapakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihang iligtas ang Kanyang bayan. Ang araw ay lumalabas, na nagliliwanag sa kanyang kalakasan. Ang mga tanda at mga kamanghaan ay sunud-sunod na nagaganap. Tumitingin ang masasama sa mga pangyayaring puno ng takot at pagkamangha, samantala tinitingnan ng matuwid ang mga paalala ng kanilang kaligtasang may banal na kasiyahan. Ang lahat ng bagay sa kalikasan ay tila nabaling mula sa natural na landas nito. . . . Ang madidilim at mabibigat na mga ulap ay lumalabas at nakikipaglaban sa isa 't isa. BN 253.2
Sa kalagitnaan ng nagngangalit na kalangitan ay may isang malinaw na puwang na puno ng hindi mailarawang kaluwalhatian, kung saan nagmumula ang tinig ng Diyos na gaya ng tunog ng maraming mga tubig na nagsasabing, “Naganap na.” BN 253.3
Inaalog ng tinig ang mga kalangitan at ang kalupaan. Nagkaroon ng malakas na lindol, “na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.” Ang langit ay nagmimistulang bumubukas at sumasara. Ang kaluwalhatian mula sa luklukan ng Diyos ay tila nagpupumiglas na makalabas. Nayayanig ang mga kabundukan na gaya ng tambo sa hangin, at nagkalat ang mga matatalim na bato sa bawat panig. . . . BN 253.4
Nabuksan ang mga libingan, “at marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.” Ang Iahat ng nangamatay sa pananampalataya ng mensahe ng ikatlong anghel ay lumalabas mula sa libingan na maluwalhati, upang marinig ang tipan ng kapayapaan ng Diyos sa kanila na nag-ingat sa Kanyang kautusan BN 253.5
Ang tinig ng Diyos ay narinig mula sa langit, na binibigkas ang araw at oras ng pagdating ni Jesus at inihahatid ang walang hanggang tipan sa Kanyang bayan. Gaya ng pinakamalakas na kulog, dumadagundong ang Kanyang mga salita sa sanlibutan. Ang Israel ng Diyos ay nakatayo upang makinig, na ang kanilang mga mata ay nakatuon sa itaas. Ang kanilang mga mukha ay nagliliwanag sa Kanyang kaluwalhatian, at nagniningning na katulad ng mukha ni Moises noong siya ay bumaba mula sa Sinai. Hindi makatingin ang masasama sa kanila. At kapag binigkas ang pagpapala sa kanilang nagparangal sa Diyos sa pamamagitan ng pag-iingat sa Kanyang banal na Sabbath, magkaroon ng isang malakas na sigaw ng pagtatagumpay. BN 253.6