Ang Aking Buhay Ngayon

249/275

Maging Handa at Naghihintay, 5 Disyembre

At sasabihin sa araio na yaon, Narito, ito'y ating Diyos; hinihintay natin Siya, at ililigtas Niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinihintay Siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa Kanyang pagliligtas. Isaias 25:9 BN 252.1

H abang nauulinigan ko ang masasamang mga kalamidad na nagaganap sa bawat sanlinggo, tinatanong ko ang aking sarili: Ano ang kahulugan ng mga ito? Sunud-sunod na nagaganap ang pinakamasamang mga dilubyo. Gaano kadalas tayong nakaririnig ng tungkol sa mga lindol at buhawi, ng pagkawasak sa pamamagitan ng apoy at baha, na may malaking pagkasira ng mga buhay at ari-arian! Tila ang mga kalamidad na ito ay mga pangyayaring walang kaayusan bunga ng kapritso ng mga puwersang hindi napapamahalaan, ngunit maaaring matunghayan sa kanila ang mga panukala ng Diyos. Sila ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang gisingin ang mga lalaki at babae sa pagkilala sa panganib na kanilang kinalalagyan. . .. BN 252.2

Ang mga kahatulan ng Diyos ay nasa kalupaan. Nangungusap sila sa mahahalagang babala, na nagsasabing: “Kayo'y magsihanda naman, sapagkat paririto ang Anak ng tao sa oras ni hindi ninyo iniisip.” BN 252.3

Nabubuhay tayo sa mga huling pangyayari ng kasaysayan ng mundo Wala na tayong panahon—ni isang sandali—na maaaring sayangin. Hindi tayo dapat matagpuang natutulog sa ating pagbabantay. . . . Hikayatin natin ang mga lalaki at mga babae saan man na magsisi at tumakas mula sa galit na paparating. Gisingin natin sila sa agad na paghahanda, dahil kakaunti ang ating nalalaman kung ano ang nasa ating harapan.... BN 252.4

Siya [ang Panginoon] ay malapit nang dumating, at dapat tayong maging handa at naghihintay para sa Kanyang pagpapakita. O gaano ngang kaluwalhating makita Siya at tanggapin bilang mga natubos! . . . Kung makikita lamang natin ang Hari sa Kanyang kagandahan tayo ay magiging mapalad magpakailanman. Nararamdaman kong kailangan kong ihiyaw ng malakas ang: “Pauwi na!” Tayo'y nalalapit na sa panahon kung kailan si Cristo ay darating sa kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian upang dalhin ang Kanyang mga tinubos sa kanilang walang hanggang tahanan.... BN 252.5

Sa dakilang pagtatapos ng gawain, makatatagpo tayo ng mga kagulumihanang hindi natin malalaman kung paano panghawakan; ngunit huwag nating kalimutang gumagawa ang tatlong dakilang kapangyarihan ng kalangitan, na ang banal na kamay ay nasa manibela, at tutuparin ng Diyos sa Kanyang mga pangako. Titipunin Niya mula sa sanlibutan ang isang bayang maglilingkod sa Kanya sa katuwiran. BN 252.6