Ang Aking Buhay Ngayon

248/275

Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya, 4 Disyembre

Sapagka 't nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin. 2 Gorinto 5:7 BN 251.1

Dapat tayong mabuhay, hindi upang iangat ang ating mga sarili, kundi upang magawa natin, bilang mga maliliit na mga anak ng Diyos, sa abot ng ating makakaya ang gawaing itinalaga Niya sa atin. Gawain nating magbigay ng tamang halimbawa sa iba. BN 251.2

Naghahanda tayo para sa walang hanggan, para sa lugar ng pagamutan sa kaitaasan, kung saan papahirin ng Dakilang Manggagamot ang mga luha sa bawat mata, at kung saan pampagaling sa mga bansa ang mga dahon ng punungkahoy ng buhay. BN 251.3

Panghawakan natin si Jesu-Cristo sa pamamagitan ng nabubuhay na pananampalataya, at lumakad sa kababaan ng pag-iisip. Kung magkagayon mahahayag sa atin ang biyaya ng Diyos, at ating makikita ang Kanyang kaligtasan. Ating babatiin ang banal na sambahayan ng mga natubos. . . . Ating hihipuin ang mga ginintuang mga alpa, at aalingawngaw ang langit na may mayamang musika. Ating ilalagak ang ating nagniningning na mga putong sa Kanyang paanan at magbibigay tayo ng luwalhati sa Kanyang nanagumpay para sa atin. BN 251.4

Maaaring may mga bagay na hindi natin maunawaan. Ang mga ilang bagay sa Biblia na tila mahiwaga sa atin, dahil lagpas ang mga ito sa ating limitadong pang-unawa. Ngunit habang pinapangunahan tayo ng ating Tagapagligtas sa gilid ng mga nabubuhay na katubigan, gagawin Niyang malinaw sa ating mga kaisipan iyong hindi pa nauunawaang mabuti. BN 251.5

Habang pinagbubulay ko ang darating na kaluwalhatian ng kalangitan, nakadarama ako ng matinding pagnanasang maaaring makilala ng bawat nabubuhay na kaluluwa tungkol dito. ... Ninanasa kong itaas Siya bilang makapangyarihang Manggagamot. . . . BN 251.6

Makabuluhan para sa atin kung tayo ay nagnanasa para sa mga makalangit na mga bagay o sa makalupa. Hindi magtatagal ay lilipas ang makalupa. Sa mga araw na ito ay may malaking pagkasira ng mga kayamanang makalupa. May mga ‘iindol sa iba 't ibang dako,” at ang kaguluhan at mga kahirapan ay makikita sa bawat panig. Ngunit ito ay ating pribilehiyong maghanda na maging mga kaanib ng makalangit na sambahayan, mga anak ng makalangit na Hari. BN 251.7