Ang Aking Buhay Ngayon

247/275

Patuloy na Lumakad Kasama ang Diyos, 3 Disyembre

At lumakad si Enoe na kasama ng Diyos: at di siya nasumpungan, sapagkat kinuha ng Diyos. Genesis 5:24 BN 250.1

Kapag dinala ni Cristo ang mga kaanib ng Kanyang iglesia sa langit, ito ay dahil sila ay lumakad na kasama Niya dito sa lupa, na tumatanggap mula sa kaitaasan ng lakas at katalinuhang nagbibigay sa kanila ng kakayanang maglingkod sa Kanya nang matuwid. Silang dadalhin sa Diyos ay mga lalaki at mga babaing ngayon ay nananalangin sa pagpapakumbaba at pagsisisi, na ang kanilang mga puso ay hindi nagmamataas sa kapalaluan. Sa kanilang pakikitungo sa mga mananampalataya at mga hindi mananampalataya nirerepresenta nila si Cristo. BN 250.2

Silang walang kasiyahan sa pag-iisip at pagsasalita nang tungkol sa Diyos sa buhay na ito ay hindi magagalak sa buhay na darating, kung saan palaging naroon ang Diyos, na nananahan sa gitna ng Kanyang bayan. Ngunit silang nagmamahal sa pag-iisip ng tungkol sa Diyos ay mapapasa kanilang lugar, na nilalanghap ang hangin ng kalangitan. Silang nagmamahal dito sa Iupa sa pag-iisip ng tungkol sa langit ay magiging masaya sa mga banal na samahan at mga kasiyahan. . . . BN 250.3

Noong nasa mundo ay hindi nila inangkin ang kanilang mga sarili, at tinatakan sila ng Diyos na pag-aari Niya. Ang langit ay para sa mga nagnanasa dito na may masidhing pagnanasa, na gumagawa sang-ayon sa halaga ng bagay na kanilang pinagsisikapan. Ang mga kaisipan nilang magkakamit sa kalangitan ay matutuon sa mga makalangit na mga bagay. BN 250.4

“Mapapalad ang mga may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos.” Sa loob ng tatlong daang taon, nagsikap si Enoe para sa kadalisayan ng kaluluwa, upang maging kaisa siya sa Kalangitan. Sa loob ng tatlong siglo, lumakad siyang kasama ang Diyos. Sa araw-araw ay umasa siya para sa higit na malapit na pakikiisa; palapit nang palapit siyang lumago sa pagniniig, hanggang sa kinuha siya ng Diyos sa Kanyang sarili. Tumayo siya sa pinto ng walang hanggang sanlibutan, isang hakbang lamang ang nasa pagitan niya at ng lupaing pinagpala; at ngayon ay nabuksan ang mga pintuan ng Banal na Lunsod—ang unang taong nakapasok doon. BN 250.5