Ang Aking Buhay Ngayon
Ingatan Ninyo ang mga Utos, 2 Disyembre
Mapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan. Apoealipsis 22:14 BN 249.1
Nasa ating harapan ang tunggalian. Ang makiisa kay Oisto sa Diyos ang tanging kaligtasan para sa sinoman sa atin ngayon. Dapat nating pagsikapang makapasok sa makipot na pintuan. Ngunit ang pintuang ito ay hindi umiimbay nang madali sa mga bisagra nito. Hindi ito tatanggap ng mga kahina-hinalang mga karakter. Dapat tayong magsikap para sa buhay na walang hanggan ngayon na may katindihang angkop sa halaga ng gantimpalang nasa ating harapan. Hindi para sa salapi o sa mga lupa o sa posisyoa kundi para sa pag-angkin ng karakter na kagaya kay Cristo, ang magbubukas ng mga pintuan ng Paraiso para sa atin. Hindi ang karangalan, ni ang kaganapang intelektuwal, ang magtatamo para sa atin ng putong ng buhay na walang hanggan. Tanging ang maamo at mapagpakumbaba, na nagtiwala sa Diyos, ang makatatanggap ng kaloob na ito. . . . BN 249.2
Ang lalanging muli ang kaluluwa, ang maglabas ng liwanag mula sa kadiliman, pag-ibig mula sa pagkamuhi, kabanalan mula sa karumihan, ay magagawa lamang ng Makapangyarihan sa lahat. Ang gawain ng Walang Kamatayan, habang isinasangkot Niya, na may pahintulot ng tao, upang gawing ganap ang buhay ni Cristo, ang magdala ng kalubusan sa karakter, ay siyang siyensya ng walang hanggan. BN 249.3
Ano ang karangalang naibigay kay Cristo? Pinagsasama Niya ang kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos na walang pamimilit at walang karahasan. Ito ang siyensya ng lahat ng tunay na siyensya; sapagkat sa pamamagitan nito nagagawa ang isang malaking pagbabago sa isip at karakter—ang pagbabagong kailangang magawa sa buhay ng bawat isang dadaan sa mga pintuan ng lunsod ng Diyos. BN 249.4
At silang nag-ingat sa mga kautusan ng Diyos ay mabubuhay na may walang kamatayang kalakasan sa ilalim ng puno ng buhay; at sa loob ng walang hanggang mga panahon makikita ng mga naninirahan sa mga mundong hindi nagkasala, sa halamanang iyon (Eden) ng kasiyahan, ang patikim ng ganap na gawain ng paglalang ng Diyos, na hindi nababahiran ng sumpa ng kasalanan—isang patikim kung ano sana ang naging kalagayan ng buong sanlibutan, kung tinupad lamang ang tao sa maluwalhating panukala ng Maylalang. BN 249.5