Ang Aking Buhay Ngayon

245/275

Disyembre—Paghahanda Para Sa Buhay Na Walang Hanggan

Tiyakin Ninyo ang Pagkatawag at Pagkahirang sa Inyo, 1 Disyembre

Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapin ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka 't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangangatitisod kailanman. 2 Pedro 1:10 BN 248.1

Iniaalok sa atin dito ang isang patakaran ng kasiguruhan sa buhay na tinitiyak sa atin ang walang hanggang buhay sa kaharian ng Diyos. Hinihiling ko sa inyong pag-aralang mabuti ang mga salitang ito ni Apostol Pedro. Mayroong pag-unawa at katalinuhan sa bawat pangungusap. Sa pamamagitan ng paghawak sa Tagapagbigay ng Buhay, na Siyang nagbigay ng Kanyang sariling buhay para sa atin, tumatanggap tayo sa buhay na walang hanggan. BN 248.2

Ang bawat isa sa atin ay nagpapasya para sa ating patutunguhan sa walang hanggan, at ito ay nasa atin nang buong-buo kung ating tatanggapin ang buhay na walang hanggan. Atin bang isasakabuhayan ang mga aral na ibinigay sa Salita ng Diyos, na siyang aklat na araling ibinigay ni Cristo? Ito ang pinakadakila, ngunit pinakapayak ang pagkakaayos at madaling maunawaang aklat na inihanda upang makapagbigay ng edukasyon sa maayos na pagkilos, sa pananalita, sa mga gawi, at sa damdamin. At silang nag-aaral ng Salitang ito sa araw-araw ay tanging mga magiging karapat-dapat na tumanggap ng diplomang nagmamarapat sa kanilang magturo at magsanay sa mga bata para sa pagpasok sa higit na mataas na paaralan, upang makoronahan bilang mananagumpay. BN 248.3

Si Jesu-Cristo ang Siyang tanging hukom ng pagiging angkop ng mga taong tumanggap ng buhay na walang hanggan. Bubuksan ang mga pintuan ng banal na lunsod para sa kanilang naging mapagpakumbaba at maamong tagasunod Niya, na natuto ng mga aralin mula sa Kanya, at tumanggap mula sa Kanya ng kanilang patakaran ng kasiguruhan sa buhay, na bumubuo ng mga karakter na katulad sa Diyos. BN 248.4

Kapag nailigtas ang mga tinubos mula sa lupa, mabubuksan ang lunsod ng Diyos para sa inyo. . . . Kung magkagayon ay ilalagay ang alpa sa inyong mga kamay, at ang inyong tinig ay aangat sa mga awitin ng papuri sa Diyos at sa Kordero, na sa pamamagitan ng Kanyang dakilang sakripisyo ay naging kabahagi kayo ng Kanyang likas at nabigyan ng walang hanggang mana sa kaharian ng Diyos. BN 248.5