Ang Aking Buhay Ngayon

242/275

Taglay ang Kapayapaan, 28 Nobyembre

Makipagkilala ka sa Kanya, at ikaw ay mapayapa: Ano pa to 't ang mabuti ay darating sa iyo. ]ob 22:21 BN 245.1

Sumakay kami sa maliit na barkong magdadala sa amin patawid ng dagat-lagusan patungo sa pampang ng Denmark. Dito pinagkalooban ako ng kuwartong may dalawang sopa, at nasasarahan ng mabibigat na mga kurtina—mga kagamitang hindi naman kailangan para sa paglalakbay na tatagal lamang ng anim na oras. Ngunit nabago ang aming opinyon bago kami nakarating sa lupa. Ang unang oras ay ginugol namin sa palapag sa masaya at maayos na kabina ng mga babae. Mabuti ang panahon, tahimik ang karagatan, at umaasa kaming magkakaroon ng masayang paglalakbay. Ngunit hindi nagtagal, ang Kapitan, habang dumadaan sa kabina, ay pinayuhan kaming bumaba at agad na humiga, dahil dadaan kami sa magaspang na mga karagatan. Sumunod kaming may pagdadalawang-isip. Hindi nagtagal, nagsimulang umalog ng malakas ang barko na halos hindi namin mapanatili ang aming mga puwesto sa mga sopa. Sumama ang aking pakiramdam, nagpapawis nang lubha, na tila nakikipaglaban sa malubhang sakit ang bawat kalamnan, at pagkatapos ay nagapi ng nakamamatay na pagkahilo. . . . BN 245.2

Tila napakalapit ng kamatayan; ngunit naramdaman kong maaari akong kumapit, na may mahigpit na paghawak sa pananampalataya, sa kamay ni Jesus. Siyang humahawak sa mga tubig sa mga guwang ng Kanyang palad ay maaaring mag-ingat sa amin sa bagyo. Sumusunod sa Kanyang tinig ang mga alon ng kalaliman, “Hanggang dito ay darating ka, ngunit hindi ka lalagpas; at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon.” Inisip ko kung paano pinayapa ni Jesus ang mga takot ng mga alagad Niya habang pinapatahimik Niya ang mabagyong dagat ng Galilea; at matatakot ba akong magtiwala sa Kanyang pag- iingat na Siyang nagbigay sa akin ng aking gawain? Napanatili ang aking puso sa ganap na kapayapaan dahil nanatili ito sa Kanya. Napakahalaga ng aral ng pagtitiwalang natutuhan ko sa mga oras na ito. Natagpuan kong ibinibigay ang bawat pagsubok ng buhay upang magturo sa akin ng bagong aral tungkol sa aking sariling pagtitiwala, at sa aking pagtitiwala sa aking Ama sa langit. Maaari tayong maniwalang sumasa atin ang Diyos sa bawat lugar, at sa bawat oras ng pagsubok maaari tayong mangunyapit sa kamay na nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan. BN 245.3