Ang Aking Buhay Ngayon
Taglay ang mga Salita at mga Gawang Sang-ayon kay Cristo, 27 Nobyembre
Sapagka 't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahalutan ka. Mateo 12:37 BN 244.1
Kapag ginagawa mo ang iyong nakatalagang gawain na walang pakikipagtalo o pagpuna sa kapwa, ang isang kalayaan, at kapangyarihan ay sasanib sa iyong gawain na magbibigay ng impluwensya at karakter sa mga institusyon at mga pagsisikap na nakaugnay sa iyo. BN 244.2
Alalahaning ikaw kailanman ay hindi napasasa mabuting kalagayan kapag ikaw ay nagagambala at kapag dinadala iyong dinadala ang pasanin ng pagsasaayos ng bawat kaluluwang lumalapit sa iyo. Kapag sumuko ka sa tuksong punahin ang iyong kapwa, ituro ang kanilang mga kahinaan, wasakin ang kanilang mga gawain, makatitiyak kang mabibigo kang gawin nang mabuti at marangal ang sarili mong bahagi. BN 244.3
Ito ay panahon kung kailan ang bawat isang nasa pinagkatiwalaang posisyon at bawat kaanib ng iglesia ay dapat na maglagay ng bawat bahagi ng kanyang gawain sa mabuting pagkakaayon sa mga turo ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng walang kapagalang pagbabantay, ng taimtim na pananalangin, ng mga salita at gawaing sang-ayon kay Cristo, dapat nating ipakita sa sanlibutan kung ano ang kalagayang ninanasa ng Diyos para sa Kanyang iglesia. . .. BN 244.4
Ibinaba ni Cristo ang Kanyang sarili upang manguna sa katauhan, upang salubungin ang mga tukso at tiisin ang mga pagsubok na sasalubungin at titiisin ng katauhan. Kailangang makilala Niya kung ano ang kailangang danasin ng katauhan mula sa nagkasalang kaaway, upang malaman Niya kung paano tulungan ang mga tinutukso. BN 244.5
At naging hukom natin si Cristo. Hindi ang Ama ang siyang hukom. Hindi ang mga anghel. Siyang kumuha ng pagkatao sa Kanyang sarili, at namuhay sa mundong ito ng isang sakdal na buhay, Siya ang maghuhukom sa atin. Siya lamang ang maaari nating maging hukom Wala sa inyo ang itinalagang maghukom sa inyong kapwa. Ang inyong kalakasan ay sapat lamang sa pagdisiplina sa inyong mga sarili BN 244.6
Mayroon tayong karakter na kailangang ingatan, at ito ang karakter ni Cristo. . . . Nawa ay tulungan tayo ng Panginoon na mamatay sa ating sarili, at maipanganak na muli, upang si Cristo ay mabuhay sa atin, isang nabubuhay, aktibong kalakasan, isang kapangyarihang magpapaging banal sa atin. BN 244.7