Ang Aking Buhay Ngayon

239/275

Taglay ang Pagkamapagbigay, 25 Nobyembre

May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kaysa karampatan, nguni ' t nauuwi lamang sa pangangailangan. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: At siyang dumidilig ay madidilig din. Kawikaan 11:24, 25 BN 242.1

Ang Diyos ang Siyang nagpapala sa mga tao ng mga pagaari, at ginagawa Niya ito upang makapagbigay sila tungo sa pagpapasulong ng Kanyang gawain. Ibinibigay Niya ang liwanag ng araw at ang ulan. Pinatutubo Niya ang mga halaman. BN 242.2

Nagbibigay Siya ng kalusugan at kakayahang magkamit ng mga kayamanan. Ang lahat ng ating mga pagpapala ay nagmumula sa Kanyang mabiyayang kamay. Nagnanais naman Siyang ipakita ng mga lalaki at mga babae ang kanilang pagpapasalamat sa pamamagitan ng pagbabalik sa Kanya ng bahagi sa mga ikapu at mga handog—sa mga handog pasasalamat, sa mga malayang handog, sa mga handog dahil sa pagkakasala. Kung dadaloy ang kayamanan sa kaban sang-ayon sa panukalang ito na kinasihan ng Diyos—ikasampung bahagi ng lahat ng kinita, at mayamang mga handog—magkakaroon ng kasaganahan para sa pagpapasulong ng gawain ng Panginoon. BN 242.3

Ngunit pinatigas ang mga puso ng mga tao ng pagkamakasarili, at gaya ni Ananias at Safira, natutukso silang sarilinin ang bahagi ng halaga, samantalang nagkukunwaring tumutupad sa mga utos ng Diyos. Marami ang gumagastos nang labis sa pagbibigay-lugod sa sarili. Pinagbibigyan ng mga lalaki at mga babae ang kanilang kasiyahan at pinalulugod ang kanilang mga panlasa, samantalang nagdadala sila sa Diyos, na halos sapilitan, ng mga handog na tinipid. Nakalilimutan nilang darating ang araw na magtutuos ang Diyos kung paano nila ginamit ang Kanyang mga pag-aari. BN 242.4

Kagamutan ng Diyos ang patuloy at tumatanggi sa sariling pagkamapagbigay sa nabubulok na kasalanan ng pagkamakasarili at pag-iimbot. Isinaayos ng Diyos ang sistematikong pagbibigay upang maitaguyod ang Kanyang gawain at magpagaan sa mga pangangailangan ng mga naghihirap at mga nagigipit sa buhay. Itinalaga Niyang maging gawi ang pagbibigay upang masawata nito ang mapanganib at mapandayang kasalanan ng pag-iimbot. Gumugutom ang patuloy na pagbibigay sa pag-iimbot hanggang sa ito ay mamatay. . . . Hinihingi Niya ang patuloy na pagbibigay, upang mapatigil ng puwersa ng kasanayan sa mabubuting gawa ang puwersa ng mga gawi nasa kasalungat na direksyon. BN 242.5