Ang Aking Buhay Ngayon
Taglay ang Pagpapakumbaba, 24 Nobyembre
Ang kapalaluan ng tao ay magbababa sa kanya: Nguni ' t ang may mapagpakumbabang diwa ay mag tatamo ng karangalan. Kawikaan 29:23 BN 241.1
Maaaring itaas ng tao ang kanyang sarili at magmalaki sa kanyang kapangyarihan, ngunit sa isang iglap maaari siyang dalhin ng Diyos sa kawalan. Gawain ni Satanas ang pangunahan ang mga tao upang parangalan nila ang kanilang mga sarili dahil sa mga talentong ipinagkatiwala sa kanila. Ang bawat taong ginagamit ng Diyos sa gawain ay kailangang matutuhang ang nabubuhay, palaging malapit at palaging kumikilos na Diyos ang pinakamataas, at Siya ay nagbigay ng mga talento upang Kanyang magamit—ang isang kaisipang makalilikha; isang pusong dapat maging luklukan Niya; mga damdaming dapat lumawig upang magpala sa lahat ng makakasalamuha; isang konsyensyang maaaring magamit ng Banal na Espiritu upang hatulan siya sa kanyang kasalanan, sa katuwiran, at sa paghuhukom. BN 241.2
Ang pagmamataas, kawalang kaalaman, at kamangmangan ay palaging magkakasama. Hindi nalulugod Panginoon sa pagmamataas na makikita sa Kanyang bayan. BN 241.3
Mga magulang, . . . mas madali ang magturo ng aralin ng pagkapagmataas kaysa pagpapakumbaba. BN 241.4
Nauuna ang pagpapakumbaba sa karangalan. Upang magkaroon ng mataas na kalagayan sa harapan ng mga tao, pinipili ng kalangitan iyong manggagawang kumukuha ng mababang lugar sa harapan ng Diyos. Ang alagad na pinakakatulad ng isang bata ay siyang pinakamabisa sa paggawa para sa Diyos. Maaaring makipagtulungan ang mga makalangit na katalinuhan sa kanyang nagsisikap, hindi upang itaas ang sarili, kundi upang magligtas ng mga kaluluwa. . . . Mula sa pakikipagniig kay Cristo, siya ay hahayo upang gumawa para sa kanilang patungo sa kamatayan dahil sa kanilang mga kasalanan. Siya ay pinahiran para sa kanyang misyon, at nagtatagumpay siya sa mga bagay kung saan nabibigo ang mga matatalino at mga pantas. . .. BN 241.5
Ang kapayakan, paglimot sa sarili, at nananatiling pag-ibig ng isang maliit na bata ay siyang mga katangiang pinapahalagahan ng Kalangitan. Ito ang mga katangian ng tunay na kadakilaan. BN 241.6
Si Solomon ay hindi naging labis na mayaman o matalino o tunay na dakila kaysa noong sinabi niyang, “Ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.” BN 241.7