Ang Aking Buhay Ngayon
Taglay ang Pagkamatapat, 23 Nobyembre
Ang nalabi sa lsrael ay hindi gagawa ng kasamaan, ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka’t sila'y magsisikain at magsisihiga, at walang takot sa kanila. Sefanias 3:13 BN 240.1
Ang pagkamatapat at integridad ay mga katangian ng Diyos, at siyang nagtataglay ng mga katangiang ito ay nagtataglay ng kapangyarihang hindi matatalo. BN 240.2
Huwag magsinungaling kailanman; huwag babanggit ng hindi makatotohanan sa salita o sa gawa. . . . Maging diretso at hindi paiba-iba. Hindi dapat pahintulutan ang kahit na isang maliit na pagsisinungaling. BN 240.3
May malalim na pagdusta ang Tagapagligtas sa lahat ng pandaraya. Ipinapakita ito ng mahigpit na parusang ibinigay kina Ananias at Safira. BN 240.4
Ang mga labing sinungaling ay karumaldumal sa Kanya. Ipinahayag Niya sa banal na lunsod na “hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklam- suklam at ng kasinungalingan.” Hayaang panghawakan nang mahigpit ang pagsasabi ng katotohanan. Hayaang maging bahagi ito ng buhay. Ang paglalaro nang mabilis at maluwag sa katotohanan, at ang pagsisinungaling upang sumang-ayon sa mga makasariling panukala, ay nangangahulugan ng pagkawasak ng pananampalataya. . . . Siyang bumabanggit ng mga kasinungalingan ay ibinebenta ang kanyang kaluluwa sa mumurahing pamilihan. Maaaring may pakinabang ang kanyang mga kasinungalingan sa kahigpitan; sa pamamagitan nito ay tila sumusulong siya sa negosyong hindi niya mararating sa pamamagitan ng patas na pakikipagpalitan; ngunit dumarating siya sa wakas sa lugar kung saan wala siyang maaaring mapagkatiwalaan. Dahil humahabi siya ng mga kasinungalingan, wala siyang tiwala sa mga sinasabi ng iba. BN 240.5
Walang taong maaaring magmalaki sa kanyang pagiging matapat, dahil malibang siya ay magtagumpay hindi niya malalaman kung ano ang pagiging matapat. Walang makakikilala sa kalakasan ng kanyang pagkamatapat at integridad hanggang dumaan siya sa mahigpit na pagsubok ng pagkamit ng kayamanan sa kahina-hinalang kaparaanan. BN 240.6
Hindi pahihintulutan niyang may pusong puno ng pag-ibig na nagmumula sa Diyos na makahanap ng lugar sa kanyang buhay ang pagmamataas o kasinungalingan. Siyang “ipinanganak na muli” ng Espiritu, ay ipapakita si Cristo sa kanyang pang-araw-araw na kabuhayan. Siya ay matuwid sa lahat ng kanyang pakikitungo. Wala siyang isinasagawang katusuan. Nagpapatotoo sa kalagayan ng kanyang puso ang mabuting bungang nakikita sa kanyang buhay. BN 240.7