Ang Aking Buhay Ngayon

236/275

Taglay ang Katapatan, 22 Nobyembre

Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuri puri sa harapan ng lahat ng mga tao. Roma 12:17 BN 239.1

Sa bawat transaksyon sa negosyo, ang isang Cristiano ay maaaring maging katulad ng ninanais niyang isipin ng kanyang mga kapatid. Pinapatnubayan ng mga prinsipyo ang kanyang mga gawain. Hindi siya nagpapakana; kaya 't wala siyang itinatago, wala siyang pinalalagpas. Maaari siyang punahin, maaari siyang subukin, ngunit kikinang na gaya ng dalisay na ginto ang katapatan niyang hindi nababali. Pagpapala siya sa lahat ng nakikiugnay sa kanya, dahil ang kanyang salita ay maaasahan. Siya ay taong hindi magsasamantala sa kanyang kapwa. Siya ay kaibigan at tumutulong sa lahat, at ang kanyang kapwa ay nagtitiwala sa kanyang payo. . . . Ang isang tunay na matapat na tao ay hindi magsasamantala sa kahinaan o kawalan ng kakayahan upang punuin ang sarili niyang bulsa. Tumatanggap lamang siya ng matapat na halaga para sa bagay na kanyang ipinagbibili. Kung may mga kasiraan sa mga bagay na naibenta, tahasan niya itong pinapaalam sa kanyang kapatid o kasamahan, bagaman taliwas ito sa sarili niyang ka pa ki nabangan. BN 239.2

Kailangang itaguyod ang pinakamahigpit na prinsipyo ng katapatan sa bawat detalye ng buhay. Hindi ito ang mga prinsipyong nangingibabaw sa ating sanlibutan, dahil si Satanas, ang manlilinlang, mandaraya, at mang-uusig ay siyang panginoon, at ang kanyang mga tagasunod ay sumasang-ayon sa kanya at isinasagawa ang kanyang mga layunin. Ngunit naglilingkod sa ibang Panginoon ang mga Cristiano, at ginagawa sa Diyos ang kanilang mga pagkilos na walang pakundangan sa pansariling kapakinabangan. Ang pagliko mula sa ganap na katapatan sa negosyo ay maaaring magmukhang maliit na bagay sa paningin ng ilan, ngunit hindi ganito ang pagtingin dito ng ating Tagapagligtas BN 239.3

Maaaring hindi magkaroon ng kaaya-ayang panlabas ang isang tao, maaaring may kakulangan siya sa maraming aspekto, ngunit kung may mabuti siyang reputasyon dahil sa kanyang katapatan, siya ay igagalang Ang isang taong matapat na humahawak sa katotohanan ay makapagtatamo ng pagtitiwala sa lahat. Hindi lamang ang mga kapatid niya sa pananampalataya ang magtitiwala sa kanya, kundi maging ang mga hindi mananampalataya ay mapipilitang kilalanin siya ng bilang marangal na tao. BN 239.4