Ang Aking Buhay Ngayon

235/275

Walang Higit na Dakila Kaysa kay Juan Bautista, 21 Nobyembre

Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, sa gitna ng mga ipinanganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay] uan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kaysa kanya. Mateo 11:11 BN 238.1

Angkop na paglalara wan ang mga matataas na tambong tumutubo sa gilid ng Jordan at yumuyuko sa bawat pag-ihip ng hangin sa mga rabbi na tumatayong mga kritiko at hukom ng misyon ni Juan Bautista. Nadadala sila paroo 't parito ng mga pang-ihip ng hangin ng opinyong nangingibabaw. Ayaw nilang ibaba ang kanilang mga sarili upang tanggapin ang mensahe ni Juan Bautista na sumasaliksik sa puso, ngunit ayaw naman nilang hayagang hadlangan ang kanyang Gawain dahil sa pangamba sa karamihan. Ngunit walang ganitong espiritu ang sugo ng Diyos. Ang karamihang nagtipon sa paligid ni Cristo ay naging mga saksi sa gawain ni Juan Bautista. Narinig nila ang kanyang walang takot na pagsaway sa kasalanan. Sa mga Fariseong binibigyang katuwiran ang kanilang mga sarili, mga saserdoteng Saduceo, kay Haring Herod at sa kanyang korte, sa mga prinsipe at mga kawal, mga maniningil ng buwis at mga magbubukid, nangusap si Juan na may pantay na kapayakan. Hindi siya isang nanginginig na tambong yumuyuko sa ihip ng hanging papuri ng mga tao o masamang palagay. Sa loob ng bilangguan ay nanatili siya sa kanyang katapatan sa Diyos at sa kanyang kasigasigan para sa katuwiran gaya noong ipinangaral niya ang mensahe ng Diyos sa ilang. Kasing tibay ng isang bato ang kanyang katapatan sa prinsipyo. . . . BN 238.2

Sa pahayag kay Zacarias bago ang kapanganakan ni Juan, sinabi ng anghel na, “Siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon.” Sa pagtatantya ng Kalangitan, ano ang bumubuo ng kadakilaan?—Hindi iyong inaakalang dakila ng sanlibutan. . . . Ang pinapahalagahan ng Diyos ay kagalingang moral. Ang pag-ibig at kadalisayan ay mga katangiang pinakamahalaga sa Kanya. Si Juan ay dakila sa paningin ng Panginoon, noong siya ay nasa harapan ng mga sugo ng Sanhedrin, sa harapan ng mga tao, at sa harapan ng sarili niyang mga alagad ay pinigilan niya ang kanyang sarili sa pag-angkin ng karangalang para sa kanyang sarili, ngunit itinuro ang Iahat kay Jesus na Siyang Ipinangako. Ang kanyang katuwaang walang pagkamakasarili sa ministeryo ni Cristo ay naglalahad ng pinakamataas na uri ng karangalang kailanman ay nahayag sa mga tao. BN 238.3