Ang Aking Buhay Ngayon
Alam ni Job na Nabubuhay ang Kanyang Manunubos, 20 Nobyembre
Nguni 't talastas ko na ang Manunubos sa akin ay buhay, At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: At pagkatapos na magiba ng ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Diyos sa aking laman. ]ob 19:25-26 BN 237.1
Dumarating sa karanasan ng lahat ang mga panahon ng masakit na kabiguan at lubos na kawalang pag-asa—mga araw na kabahagi ang kalungkutan, at napakahirap manampalatayang ang Diyos pa rin ang Siyang mabuting tagapagbigay sa Kanyang mga anak dito sa lupa; mga araw kung kailan napahihirapan ng mga ligalig ang kaluluwa, hanggang tila lalong naging kanais-nais sa buhay ang kamatayan. Sa ganitong mga pagkakataon, marami ang nakabibitaw sa kanilang pagkakahawak sa Diyos at nadadala sa pagkaalipin ng pag-aalinlangan, sa pagkabihag sa kawalang pananampalataya. Kung makikita lamang natin sa mga kapanahunang ito taglay ang espirituwal na pananaw ang tungkol sa kahulugan ng mga kabutihan ng Diyos, matatanaw natin ang mga anghel na nagsusumikap na iligtas tayo mula sa ating mga sarili, na nagsisikap na pagtibayin ang ating mga panyapak sa pugalang higit na matibay kaysa walang hanggang mga kabundukan; at ang bagong pananampalataya, sisibol ang bagong buhay. BN 237.2
Ang tapat na si Job, sa araw ng kanyang paghihinagpis at kadiliman ay nagsabing: . . . BN 237.3
“Na anopa 't pinipili ng aking kaluluwa . . . ang kamatayan kaysa aking mga butong ito Aking kinayayamutan ang aking buhay Di ko na ibig mabuhay magpakailan man Bayaan akong mag-isa Sapagkat ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.” BN 237.4
Ngunit bagaman nanghihinawa na siya sa buhay, hindi pinahintulutang mamatay si Job. Itinuro sa kanya ang mga posibilidad ng hinaharap, at nabigay sa kanya ang pasugo ng pag-asa: BN 237.5
“Ikaw ay matatatag at hindi matatakot Sapagkat iyong malilimutan ang iyong karalitaan Iyong aalalahaning parang tubig na umaagos . .. ” BN 237.6
Mula sa kalaliman ng kawalang pag-asa, bumangon si Job tungo sa kataasan ng tiyak na pagtitiwala sa kahabagan at nakapagliligtas na kapangyarihan ng Diyos. Matagumpay niyang sinabing: “Bagaman ako'y patayin Niya, akin ding hihintayin Siya.” BN 237.7