Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Sigaw ng Pagtatagumpay ni Pablo, 18 Nobyembre
Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag ibig ni Cristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?. . . Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kamiy pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. . . . Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. Roma 8:35-37 BN 235.1
Nagtiis si Pablo sa kapakanan ng katotohanan, ngunit wala tayong narinig na mga reklamo mula sa kanyang mga labi. Habang binabalikan niya ang kanyang buhay ng paghihirap at pagmamalasakit at pagsasakripisyo, sinasabi niyang, “Sapagkat napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito'y Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? . . . Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito, tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. Sapagkat ako'y naniniwalang lubos na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, kahit ang kaitaasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” BN 235.2
Bagaman nakulong si Pablo sa isang piitan sa Roma sa kahulihan— na nahiwalay sa liwanag at hininga ng kalangitan, nahiwalay sa kanyang masikap na paggawa sa ebanghelyo, at panandaliang umaasang mahatulan sa kamatayan—ngunit hindi siya sumuko sa pag-aalinlangan o kawalang pag-asa. Mula sa malungkot na bartolina sa bingit ng kamatayan ay lumabas ang kanyang patotoo, puno ng matayog na pananampalataya at katapangang nagbigay kalakasan sa mga puso ng mga banal at ng mga martir sa lahat ng mga sumunod na kapanhunan. Tapat na inilalarawan ng kanyang mga pananalita ang mga bunga ng .. . pagpapakabanal. . . . “Sapagkat ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na. Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya. Buhat ngayon ay nalalaan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa Kanyang pagpapakita.” BN 235.3
Kagaya ni Pablo, magiging katibayan din ng ating pagtatagumpay ang mga sugat at mga pilat ng ating pakikipagbaka. BN 235.4