Ang Aking Buhay Ngayon

231/275

Nagtagumpay ang mga Cristiano sa Lahat ng Kapanahunan, 17 Nobyembre

Sapagka 't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya. 1 ]uan 5:4 BN 234.1

Nagtayo ang mga alagad sa ibabaw ng matibay na pundasyon, sa makatuwid ay ang Batong Buhay. Nagdala sila ng mga bato sa pundasyong ito na inukit nila mula sa sanlibutan. Gumawa sila sa kabila ng mga hadlang. Higit na pinahirap ang kanilang gawain ng paghadlang ng mga kalaban ni Cristo. Kinailangan nilang makipagpunyagi sa pagkapanatiko, masamang palagay, at pagkamuhi nilang nagtatayo sa huwad pundasyon.. .. BN 234.2

Ang templo ng Diyos ay sinikap wasakin ng mga hari, mga gobernador, mga pari, at mga pangulo. Ngunit sa harap ng pagkabilanggo, pagpapahirap, at kamatayan, ipinagpatuloy na isulong ng mga tapat na lalaki ang gawain; at lumaki ang gusali, na maganda at maayos. . .. BN 234.3

Sumunod ang mga siglo ng mabangis na pag-uusig sa pagtatatag sa iglesia ng Diyos, ngunit hindi nawalan ng mga lalaking binilang ang gawain ng pagtatatag ng gusali ng templo ng Diyos na higit na mahalaga kaysa kanilang buhay. . . . BN 234.4

Walang pinalampas ang kalaban ng katuwiran sa kanyang pagsisikap na pigilin ang gawain ng mga nakatalagang manggagawa ng Panginoon. Ngunit ang Diyos ay “hindi nagpabayang di nagbigay patotoo tungkol sa Kanyang sarili.” Ibinangon ang mga manggagawang mahusay na nakapagtanggol sa pananampalatayang ibinigay noon sa mga banal. Saksi ang kasaysayan sa pagtitiyaga at pagkabayani ng mga lalaking ito. Gaya ng mga alagad, marami sa kanila ang nahulog mula sa kanilang bantayan, ngunit nagpatuloy ang pagtatayo ng templo. Pinaslang ang mga manggagawa, ngunit sumulong ang gawain. Ang mga Waldense, si John Wycliffe, sina Huss at Jerome, Martin Luther at Zwingli, Cranmer, Latimer, at Knox, ang mga Huguenot, sina John at Charles Wesley, at ang hukbo ng iba pang mga nagdala ng materyales sa pundasyong mananatili sa buong walang hanggan Maaari tayong tumunghay sa mga siglo at makita ang mga buhay na batong bumubuo dito na kumikinang gaya ng mga sinag ng liwanag sa gitna ng kadiliman ng kamalian at pamahiin. Sa buong walang hanggan kikinang ang mga mahahalagang mga hiyas na ito na may lumalakas na kaliwanagan, na nagpapatotoo sa kapangyarihan ng katotohanan ng Diyos. BN 234.5