Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Tagumpay ni Cristo Ay Kasing Ganap sa Kabiguan ni Adan, 15 Nobyembre
Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging matuwid. Roma 5:19 BN 232.1
Tinatawag si Cristo na ikalawang Adan. Sa kadalisayan at kabanalan, nakaugnay sa Diyos at minamahal ng Diyos, nagsimula Siya kung saan nagsimula ang unang Adan. Kusang-loob Niyang dinaanan ang landas kung saan nahulog si Adan, at tinubos ang kabiguan ni Adan. BN 232.2
Ngunit may higit na mabuting kalagayan ang naunang Adan kaysa kay Cristo. Ang mga biyaya ng Eden na inihanda para sa tao ay ginawa ng Diyos na nagmamahal sa kanya. Dalisay at walang dungis ang lahat ng bagay sa kalikasan. . . . Walang aninong namagitan sa kanila (Adan at Eva) at sa kanilang Manlalalang. Nakilala nila ang Diyos bilang kanilang mapagbiyayang Ama, at sa lahat ng kaparaanan ang kanilang kalooban ay nakasang-ayon sa kalooban ng Diyos. ... BN 232.3
Ngunit dumating si Satanas sa mga naninirahan sa Eden at nagtanim ng pag-aalinlangan sa kaalaman ng Diyos. Siyang kanilang Ama sa langit at Hari ay pinaratangan niya ng pagiging makasarili dahil pinagbawalan silang kumain sa puno ng kaalaman upang subukin ang kanilang katapatan BN 232.4
Sinubok si Cristo ni Satanas nang isang-daang beses na higit na mahirap kaysa kay Adan, at sa ilalim ng mga kalagayang higit na nakayayamot. Ipinakilala ng manlilinlang ang kanyang sarili bilang anghel ng kaliwanagan, ngunit napanindigan ni Cristo ang kanyang mga tukso. Tinubos Niya ang nakahihiyang pagkakahulog ni Adan at iniligtas ang sanlibutan. . . . BN 232.5
Sa Kanyang katauhan napanatili Niya ang kadalisayan ng Kanyang banal na karakter. Isinakabuhayan Niya ang kautusan ng Diyos. Dumating Siya upang ibigay ang sarili Niyang banal na likas, ang sarili Niyang wangis, sa nagsisisi at nananampalatayang kaluluwa. BN 232.6
Kasing-ganap ng pagtatagumpay ni Cristo ang kabiguan ni Adan. Kaya maaari tayong manindigan sa tukso, at piliting lumayo si Satanas sa atin. BN 232.7