Ang Aking Buhay Ngayon

228/275

Manindigan, 14 Nobyembre

Panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Apoealipsis 3:11 BN 231.1

Maaaring magawa sa Ioob lamang ng isang sandali ang mga desisyong magtitiyak ng kalagayan natin sa walang hanggan. . . . Ngunit alalahaning mangangailangan ng gawain ng buong buhay upang makabawi mula sa nawawala dahil sa isang sandaling pagsuko sa tukso at kawalang pagmamalasakit.... BN 231.2

Maaari mong mailagay ang iyong sarili sa kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng isang sandaling gawain ng kalooban, ngunit mangangailangan ng higit pa sa isang sandaling gawain ng kalooban ang pagsira sa kanyang mga tanikala at pag-abot sa higit na mataas, higit na banal na buhay. Maaaring mabuo ang layunin, maaaring simulan ang gawain, ngunit ang pagtapos dito ay mangangailangan ng paghihirap, panahon, at pagtitiyaga, pagtitiis, at pagsasakripisyo. Matatagpuan ng lalaking sadyang lumalayo sa Diyos sa nakasisilaw na kaliwanagan, na kapag naisin na niyang manumbalik, na tutubo ang mga dawag at tinik sa kanyang landas, at hindi siya dapat magulat o panghinaan ng loob kung mapipilitan siyang maglakbay ng mahaba na may mga paang nasugatan at nagdurugo. Ang pinakanakagigimbal at kinasisindakang ebidensya ng pagkahulog ng tao mula sa higit na mabuting kalagayan ay ang katotohanang napakahirap makabalik. Makakamit lamang ang daan ng panunumbalik sa pamamagitan ng mahirap na pakikipaglaban, sa bawat pulgada, sa bawat oras... . BN 231.3

Ang mga magkakamit sa kalangitan ay maglalagak ng pinakamataas nilang pagsisikap at gagawang may lahat ng pagbabata, upang kanilang anihin ang bunga ng kanilang pagsisikap. May kamay na magbubukas nang maluwag sa mga pintuan ng Paraiso sa kanilang nanindigan sa pagsubok ng tukso at napanatili ang mabuting pag- iisip sa pamamagitan ng pagbitaw sa sanlibutan, sa mga karangalan nito, sa paghanga nito, para makamit ang pag-ibig ni Cristo. At sa pamamagitan nito ay itinatanghal si Cristo sa harap ng mga tao at naghihintay na may pagtitiyagang sila ay itanghal Niya sa harap ng Ama Niya at ng mga banal na anghel. BN 231.4

Panatiliing matimyas ang iyong pag-iisip upang iyong marinig ang bulong ng tinig na nangusap na hindi gaya ng sinomang tao. BN 231.5