Ang Aking Buhay Ngayon
Lumakad sa Liwanag, 13 Nobyembre
Oh suguin ninyo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako; dalhin nawa nila ako sa Iyong banal na bundok at sa Iyong mga tabernakulo. Awit 43:3 BN 230.1
Sa mga mapanganib na mga araw na ito, kailangan tayong maging lubusang maingat na huwag tanggihan ang mga sinag ng liwanag na sa kahabagan ay ipinadadala ng kalangitan sa atin, upang sa pamamagitan nito ay makilala natin ang mga pakana ng kaaway. Kailangan natin ang liwanag mula sa langit sa bawat oras, upang ating makita ang pagkakaiba ng banal at ng pangkaraniwan, ng walang hanggan at ng pansamantala. Kung pababayaan sa ating mga sarili, magkakamali tayosa bawathakbang;kikilingtayopatungosa sanlibutan, iiwas sa pagtanggi sa sarili, at hindi makikita ang pangangailangan para sa patuloy na pagbabantay at pananalangin, at magiging bihag tayo ni Satanas na sunud-sunuran sa kanya. Nasa ganitong kalagayan ang ilan ngayon. Sa kanilang pagkakatanggi sa liwanag na ipinadala ng Diyos sa kanila ay hindi nila nalalaman ang kanilang kinatisuran. BN 230.2
Makikipaglaban nang mabuti sa mga pakikipaglaban ng Panginoon ang mga taong may pangalang nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero. Magsisikap silang makilala at maitakwil ang mga tukso at bawat masamang bagay. Mararamdaman nilang nasa kanila ang paningin ng Diyos at nangangailangan ng pinakamahigpit na katapatan. Bilang mga tapat na bantay, hahadlangan nila ang lagusan, upang hindi makadaan si Satanas doon na nagbabalatkayong isang anghel ng kaliwanagan upang gawin ang kanyang gawain ng kamatayan sa kanilang kalagitnaan.... BN 230.3
Ang mga nasusuotan ng damit na puting nakapalibot sa luklukan ng Diyos ay hindi binubuo ng samahan niyaong mga mangingibig sa kaluguran kaysa mangingibig sa Diyos, at pumipiling magpatangay sa agos kaysa sumalungat sa mga alon ng pakikipaglaban. Ang lahat na nananatiling dalisay at hindi narurumihan ng espiritu at impluwensyang nangingibabaw sa kasalukuyan ay magkakaroon ng mga mahigpit na pakikipagpunyagi. Dadaan sila sa malaking kagulumihanan; kanilang huhugasan ang mga kasuotan ng kanilang karakter at gagawin itong maputi sa dugo ng Kordero. Aawit sila ng awitin ng pagtatagumpay sa kaharian ng kaluwalhatian. BN 230.4