Ang Aking Buhay Ngayon

226/275

Maging Matibay, Hindi Natitinag, 12 Nobyembre

Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon. 1 Corinto 15:58. BN 229.1

Silang tumatayo sa pagtatanggol ng karangalan ng Diyos, at nananatili sa kadalisayan ng katotohanan anoman ang halaga, ay magkakaroon ng maraming mga pagsubok, na gaya ng ating Tagapagligtas sa ilang ng pagsubok. Iyong mga mahihinang mga damdaming walang tapang na tumuligsa sa kamalian, kundi nananahimik kung kailan kailangan ang kanilang impluwensya upang manindigan sa pagtatanggol sa tama laban sa anomang kagipitan, ay maaaring makaiwas sa maraming kabiguan at makatakas sa maraming pagkabalisa, at mawalan ng napakayamang gantimpala, kung hindi man ang sarili nilang mga kaluluwa. BN 229.2

Silang sa pakikiisa sa Diyos, at sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya, ay tumatanggap ng kalakasan upang maninidigan laban sa kamalian, at tumayo sa pagtatanggol ng katotohanan, ay palaging magkakaroon ng matinding mga pakikipagtunggali at madalas ay kakailanganing tumayong halos nag-iisa. Ngunit ang mga mahahalagang mga tagumpay ay mapapasakanila habang nagtitiwala sila sa Diyos. Magiging kanilang kalakasan ang Kanyang biyaya. Magiging matalas, malinaw, at madaling makadama ang kanilang pandamang moral. Ang kapangyarihan ng kanilang karakter ay magiging kasing lakas noong makakayanang manindigan laban sa mga maling impluwensya. Ang kanilang katapatan ay magiging kagaya nang kay Moises—pinakadalisay na uri. BN 229.3

Nangangailangan ng katapangang moral ang pagganap sa gawain ng Diyos. Hindi maaaring magbigay puwang ang mga gumagawa nito sa pag-ibig sa sarili, sa mga kaisipang makasarili, ambisyon, pagmamahal sa kaginhawaan o sa pagnanasang makaiwas sa krus. . .. Susundin ba natin ang Kanyang tinig, o makikinig ba tayo sa malamyos na boses ni Satanas, at maiuugoy sa isang nakamamatay na pagkahimbing sa bisperas ng pagdating ng mga walang hanggang mga reyalidad? BN 229.4

Nagnanais na maisalba ng ating Tagapagligtas ang mga kabataan. . . . Nag hihintay Siyang ilagay sa kanilang mga ulo ang putong ng buhay at marinig ang kanilang mga tinig na sumasanib sa pagbibigay karangalan at luwalhati sa Diyos at sa Kordero sa awit ng pagtatagumpay na aalingawngaw at muling aalingawngaw sa lahat ng mga bulwagan ng kalangitan. BN 229.5