Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Unang mga Tagumpay Ay Natatamo sa Tahanan,11 Nobyembre
Ikaw nga, anak ko, magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo fesus. . . . Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. 2 Timoteo 2:1-3 BN 228.1
Sa lahat nang may kaugnayan sa pagtatagumpay ng gawain ng Diyos, matatamo sa buhay sa tahanan ang pinakaunang mga tagumpay. Higit pa sa disiplina ng tahanan at ng paaralan, kinakailangang magkaroon ang lahat ng mahigpit na pagdidisiplina ng buhay. Kailangang gawing malinaw kung paano ito tatanggaping may katalinuhan sa bawat bata at sa bawat kabataan. Totoong minamahal tayo ng Diyos, na gumagawa Siya para sa ating kaligayahan, at, kung lagi sanang sinusunod ang Kanyang kautusan, hindi na sana natin nakilala ang paghihirap; at totoo ring sa sanlibutang ito, bilang bunga ng pagkakasala, ang paghihirap, kaguluhan, at mga pasanin ay dumarating sa bawat buhay. Makagagawa tayo ng kabutihang pambuong buhay para sa mga bata at mga kabataan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang tanggaping may katapangan ang mga kaguluhan at pasaning ito. Samantalang kailangan natin silang bigyan ng simpatya, huwag ninyong pahintulutang magpaunlad ito ng pagkaawa sa sarili. Ang kailangan nila ay iyong magpapasigla at magpapatibay kaysa magpapahina. BN 228.2
Kailangang maturuan silang hindi isang parada ang mundong ito, kundi isang digmaan. Ang lahat ay tinatawagang magbata ng kahirapan bilang mabubuting kawal. Dapat silang maging malakas, at manindigang gaya ng tunay na mga lalaki. Hayaang maturuan silang matatagpuan ang tunay na pamantayan ng karakter sa pagiging handang magbata ng mga pasanin, ang kunin ang mahirap na lugar, ang gawin ang gawaing kailangang gawin, bagaman hindi ito nagbibigay ng pagkilala o gantimpala dito sa lupa. BN 228.3
Walang hihigit pang sumpa sa mga tahanan kaysa pahintulutan ang mga kabataang masunod ang kanilang sariling mga kagustuhan. BN 228.4
Ang tukso kapag minsang napagtagumpayan ay magbibigay ng kapangyarihan upang higit pang mapagtagumpayan sa ikalawang pagkakataon. Ang bawat bagong pagtatagumpay na natamo laban sa sarili ay magpapadali sa daan para sa higit na mataas at marangal na mga tagumpay. Ang bawat pagtatagumpay ay binhing nahahasik tungo sa buhay na walang hanggan. BN 228.5