Ang Aking Buhay Ngayon
May Tagumpay kay Cristo, 9 Nobyembre
Datapuwa't salamat sa Diyos, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong ]esu- Cristo. 1 Corinto 15:57 BN 226.1
Si Cristo ay may kapangyarihan mula sa Kanyang Ama na ibigay ang Kanyang banal na biyaya at kalakasan sa tao, na ginagawang posible sa kanya ang magtagumpay sa pamamagitan ng Kanyang pangalan. . . . BN 226.2
Ang lahat ay personal na nalalantad sa mga tuksong napanagumpayan na ni Cristo, ngunit ang lakas ay nabigay sa kanila sa pangalang makapangyarihan sa lahat ng dakilang Mananagumpay. At dapat magtagumpay ang lahat sa kanilang mga sarili. BN 226.3
Alam Niya ang bawat pagsubok at kalungkutan ng mga bata at ng mga kabataan. Minsan pa ay naging kasing edad ninyo siya. Ang mga tukso at pagsubok na dumarating sa inyo ay dumating din sa Kanya. Ang mga kalungkutang dumarating sa inyo ay dumating din sa Kanya. Ngunit hindi siya nagapi ng tukso. Ang Kanyang buhay ay walang anomang tinaglay na hindi dalisay at marangal. Siya ang inyong tagapagbigay ng tulong, ang inyong Manunubos. BN 226.4
Ang Kanyang pusong puno ng banal na pag-ibig at simpatya ay napapalapit higit sa lahat sa kanya na pinakamatindi ang pagkakabuhol sa panila ng kaaway. Pinirmahan Niya ng sarili Niyang dugo ang dokumento ng pagpapalaya sa sangkatauhan. BN 226.5
Hindi ninanasa ni Jesus na iyong mga tinubos sa napakalaking halaga ay maging laruan ng mga tukso ng kaaway. Hindi Niya ninanais na tayo ay magapi at mamatay. Siyang pumigil sa mga leon sa kanilang kulungan at lumakad kasama ng Kanyang mga tapat na lingkod sa gitna ng naglalagablab na apoy ay handa ring gumawa para sa atin, upang gapiin ang bawat kasamaan sa ating likas. Nakatayo Siya ngayon sa dambana ng awa, na inihahandog sa harapan ng Diyos ang mga panalangin nilang humihingi ng Kanyang tulong. Wala Siyang tinatalikurang lumuluha at nagsisisi.. . . Ang mga kaluluwang bumabaling sa Kanya para sa pagkanlong ay iniaangat ni Jesus palayo sa paratang at kaguluhan. Walang tao o masamang anghel ang makagagapi sa mga kaluluwang ito. Ipinagkakaisa ni Cristo sila sa Kanyang sariling Diyos-taong likas. BN 226.6