Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Tabak ng Espiritu, 7 Nobyembre
At magsikuha nga kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Diyos. Efeso 6:17 BN 224.1
Alam nating hindi kakaunti at maliliit ang mga kapahamakanat tuksong pumapaligid sa mga kabataan sa panahong kasalukuyan. . . . Nabubuhay tayo sa panahon kung kailan nangangailangan ng patuloy na pagbabantay at pananalangin ang pagtanggi sa kasamaan. Ang mahalagang Salita ng Diyos ay siyang pamantayan para sa mga kabataang magtatapat sa hari ng kalangitan. Itulot na mag-aral sila ng Kasulatan. Itulot na sauluhin nila ang mga talata at magkamit ng kaalaman sa kung ano ang sinabi ng Panginoon. . . . At sa gitna ng pagsubok ay dapat na ilatag ng kabataan ang Salita ng Diyos sa kanilang harapan, at taglay ang mapagpakumbabang puso, at sa pananampalataya, ay hanapin ang Panginoon para sa kaalaman upang matutuhan ang Kanyang daan, at para sa kalakasang lumakad dito.... BN 224.2
Itulot na magsagawa ang ating mga kabataang lalaki ng pakikidigma laban salahat ng nakasanay ang nagtataglay ng pinak amaliit na panganib na ilayo ang kaluluwa mula sa tungkulin at katapatan. Dapat silang magkaroon ng mga hayag na kapanahunan ng pananalangin, na hindi kinaliligtaan ang mga ito. Kung haharap sila upang makipagdigma taglay ang masamang kaugaliang pinagpapakasasaan simula pa noong bago sila naghayag ng pakikisama kay Cristo, hindi magtatagal ay mahuhulog sila bilang madaling biktima ng mga kasangkapan ni Satanas. Ngunit kung nasasandatahan ng Salita ng Diyos, na iniingatan ito sa puso at isipan, lalabas silang hindi nasusugatan ng lahat ng paglusob ng mga kalaban ng Diyos o ng tao. . . . BN 224.3
Sa pangalan ng Diyos, itaas ninyo ang inyong watawat para sa katotohanan at katuwiran—ang mga kautusan ng Diyos at ang pananampalataya ni Jesus. Kailangan mo ang kumpletong baluti ng katotohanan ngayon, ang tabak ng Espiritu, na ang talim nito ay hindi kailanman pupurol, kundi hihiwa sa kasalanan at kasamaan. BN 224.4
Hayaang kunin nila ang Salita ng katotohanan bilang kanilang tagapayo, at maging magaling sa paggamit ng “tabak ng Espiritu.” Isang matalinong heneral si Satanas, ngunit ang mapagpakumbaba at nakatalagang kawal ni Jesu-Cristo ay maaaring magtagumpay sa kanya. BN 224.5