Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Turbante ng Kaligtasan, 6 Nobyembre
At siya'y nagsuot ng katuwiran na wari sapyaw, at ng turbante ng kaligtasan sa kanyang ulo at siya'y nagsuot ng mga bihisan ng panghihiganti na pinakadamit, at nagbihis ng sikap na wari balabal. Isaias 59:17. BN 223.1
Marami ang naguguluhan tungkol sa pagkahikayat. Madalasnilang naririnig ang mga salitang inuulit mula sa pulpitong,“Kailangan ninyong maipanganak na muli.” “Kailanganninyong magkaroon ng bagong puso.” Nalilito sila sa mga pananalitang ito. Hindi nila maunawaan ang panukala ng kaligtasan. BN 223.2
Marami na ang nahulog sa pagkapahamak dahil sa mga maling doktrinang itinuturo ng ilang ministro tungkol sa pagbabagong nagaganap sa pagkahikayat. Marami na ang nabuhay sa kalumbayan sa loob ng maraming taon, na naghihintay ng ebidensyang sila ay tinanggap na ng Diyos. Inihi walay nila ang kanilang sarili sa sanlibutan, at nakahahanap ng kasiyahan sa pakikisama sa mga anak ng Diyos; ngunit ayaw nilang amining sila ay nakay Cristo, dahil natatakot silang ito ay maging kapangahasan na sabihing sila ay mga anak ng Diyos. Hinihintay nila ang kakaibang pagbabagong itinuro sa kanilang kaugnay sa pagkahikayat. BN 223.3
Pagkalipas ng ilang panahon, ang ilan sa mga ito ay tumatanggap ng ebidensya ng pagtanggap sa kanila ng Diyos, at sila ay nadadalang kilalanin ang kanilang sariling kasama sa sambahayan Niya. At kanilang tinatandaan ang araw ng kanilang pagkahikayat mula dito. Ngunit... inampon na sila sa sambahayan ng Diyosbago ang panahong iyon. Tinanggap sila ng Diyos noong sila ay nanawa na sa kasalanan, at sa pagkawala ng kanilang pagnanasa para sa mga makamundong kasiyahan, nagpasyang may pagsisikap na hanapin ang Diyos. Ngunit, dahil hindi nila nauunawaan ang kapayakan ng panukala ng kaligtasan, nawala sa kanila ang maraming mga pribilehiyo at biyayang maaari sana nilang inangkin kung nanampalataya lamang sila, noong una silang bumaling sa Diyos, na Kanya na silang tinanggap. BN 223.4
Nahuhulog ang iba sa higit na mapanganib na kamalian. Pinangungunahan sila ng damdamin. Nakilos ang kanilang simpatya, at kinikilala nila ang paglipad ng mga damdamin bilang ebidensyang sila ay tinanggap na ng Diyos at nahikayat na. Ngunit hindi nabago ang mga prinsipyo ng kanilang buhay. Ang mga ebidensya ng tunay na gawain ng biyaya sa puso ay matatagpuan hindi sa damdamin, kundi sa buhay. BN 223.5