Ang Aking Buhay Ngayon

219/275

Ang Kalasag ng Pananampalataya, 5 Nobyembre

Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama. Efeso 6:16 BN 222.1

Ang pananampalataya sa Salita ng Diyos, na pinag-aralang may pananalangin at isinakabuhayan sa praktikal na pamamaraan, ay siyang ating kalasag sa kapangyarihan ni Satanas at gagawin tayong mga mananagumpay sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.Kapag nahikayat ang mga tao, hindi pa natatapos ang kanilang kaligtasan. Mayroon pa silang karerang kailangang takbuhin; ano ang mabigat pakikipagpunyaging nasa kanilang harapan ang kailangan nilang gawin? Ang “makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya,” ang magtumulin sa hangganan para sa gantimpala BN 222.2

ng mataas na pagkakatawag na nakay Cristo Jesus. Walang paghinto sa digmaang ito; ang pakikipaglaban ay sa buong buhay, at kailangang ituloy na may pagsisikap na katumbas sa halaga ng bagay na iyong inaasam, na siyang buhay na walang hanggan. Napakalaki ng nasasangkot dito. Ginagawang tayong mga kabahagi ng pagsasakripisyo ng sarili ni Cristo sa buhay na ito, at pagkatapos nito ay binibigyan tayo ng kasiguruhang makababahagi tayo sa lahat ng pakinabang nito sa darating na buhay na walang hanggan, kung tayo ay mananangan sa pagsisimula ng ating matibay na pagtitiwala hanggang sa wakas. Isipin mo ito. BN 222.3

Ang pangako ay, “tapat ang Diyos, na hindi Niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pag-ilag, upang ito'y inyong matiis.” Panatilihin ninyo hanggang sa wakas ang inyong katapatang Cristiano, at huwag kayong umungol laban sa Diyos. . . . Isipin ninyo ang mga walang hanggang bagay na nakataya dito. Hindi kayo dapat manghina at iwaksi ang inyong pagtitiwala. Mahal kayo ng Panginoon, magtiwala kayo sa Panginoon. Ang Panginoong Jesus ang inyong tanging pag-asa. Tiyakin ninyong para sa walang hanggan ang inyong ginagawa. Hindi kayo dapat bumulung-bulong o umangal o humatol sa inyong sarili. Huwag ninyong kaligtaan ang anomang paraan ng biyaya. Palakasin ninyo ang inyong sariling manampalataya at magtiwala sa Diyos. BN 222.4

Sa Panginoon mayroon tayong katuwiran at kalakasan. Sumandig ka sa Kanya, at sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay maaari mong mapatay ang lahat ng nag-aapoy na palaso ng kaaway at maging higit pa kaysa mananagumpay. BN 222.5