Ang Aking Buhay Ngayon

218/275

Mga Paang May Panyapak na Paghahanda ng Ebanghelyo ng Kapayapaan, 4 Nobyembre

At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng ebanghelyo ng kapayapaan. Efeso 6:15. BN 221.1

Malapit nang dumating ang Panginoon. Bigkasin mo, ipanalangin mo, sampalatayanan mo ito. Gawin mo itong bahagi ng buhay. May makasasalamuha kang kaluluwang nag-aalinlangan at sumasalungat, ngunit magbibigay daan ito sa harap ng matibay at hindi pabagu-bagong pagtitiwala sa Diyos. Kapag dumarating ang mga suliranin o balakid, itaas ninyo ang kaluluwa sa Diyos sa mga awit ng pasasalamat. Isuot ninyo ang baluting Cristiano, at tiyaking ang inyong mga paa ay “may panyapak na paghahanda ng ebanghelyo ng kapayapaan.” BN 221.2

Tayo ay nabubuhay sa gitna ng “epidemya ng krimen,” na sanhi nito ay ang mga nag-iisip at may takot sa Diyos ay nanghihilakbot. Ang kabulukang nangingibabaw ay higit pa sa makakayang ilarawan ng panulat ng tao. Ang bawat araw ay nagdadala ng sariwang paghahayag ng kaguluhang pulitikal, panunuhol, at pandaraya. Nagdadala ang bawat araw ng nakapanghihinang tala ng karahasan at paglabag, ng pagwawalang-bahala sa paghihirap, ng brutal at makahayop na pagkawasak ng buhay ng tao. Saksi ang bawat araw sa pagdami ng kabaliwan, pagpatay, at pagpapakamatay. Sino ang mag-aalinlangang gumagawa ang mga kapangyarihan ng Diyablo sa kalagitnaan ng mga taong may papaigting na pagkaabala upang gambalain at pasamain ang pag-iisip at dumihan at wasakin ang pangangatawan? .. . BN 221.3

Saanman ay naroon ang mga pusong nagsusumamo para sa bagay na wala sila. Hinahanap nila ang isang kapangyarihang magbibigay sa kanila ng pagtatagumpay sa kasalanan, isang kapangyarihang magliligtas sa kanila mula sa pagkaalipin sa kasamaan, isang kapangyarihang magbibigay ng kalusugan, buhay, at kapayapaan. Marami ang minsan nang nakakilala sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos ang nanahan kung saan walang pagkilala sa Diyos, at inaasam nila ang banal na presensya. BN 221.4

Kailangan ng sanlibutan ngayon ay kinailangan nito isang libo at siyam na raang taon ang nakalilipas—isang paghahayag ni Cristo. BN 221.5

Ang ebanghelyo ang tanging gamot sa kasalanan at paghihirap ng sanlibutan. BN 221.6