Ang Aking Buhay Ngayon

19/275

Saliksikin ang mga Kasulatan, 18 Enero

O ang kahilabihan gayud sa kadagaya ug sa kaalam ug sa kahibalo nga iya sa Dios! Pagkadili matugkad sa iyang mga paghukom ug pagkadili matukib sa iyang mga paagi! Roma 11:33 BN 22.1

Sa mga Kasulatan ay may libu-libong mga hiyas ng katotohanan ang nakatago sa mga naghahanap sa ibabaw. Ang mina ng katotohanan ay hindi mauubos. Kung higit ninyong sasaliksikin ang mga Kasulatan na may mapagkumbabang mga puso, lalong lalaki ang inyong interes, at lalo ninyong mararamdaman na parang kasama kayo ni Pablo sa pagsigaw nang: “O ang kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos!...” BN 22.2

Araw-araw ay dapat may matutuhan kang bagong bagay mula sa mga Kasulatan. Saliksikin sila gaya ng pagsasaliksik sa isang nakatagong kayamanan, dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga salita ng walanghanggang buhay. Manalangin para sa karunungan at pagkaunawa upang maintindihan ang mga banal na kasulatang ito. Kung gagawin mo ito, makakikita ka ng mga bagong kaluwalhatian sa Salita ng Diyos; mararamdaman mong natanggap mo na ang bago at mahalagang liwanag sa mga paksang konektado sa katotohanan at ang mga Kasulatan ay patuloy na magkakaroon rig bagong kahalagahan sa iyong paningin. BN 22.3

Ang mga dakilang katotohanang kailangan para sa kaligtasan ay ginawang kasing liwanag ng tanghaling tapat Ang isang talata ay napatunayan sa nakalipas, at mapapatunayan sa hinaharap, na isang samyo mula sa buhay tungo sa buhay para sa maraming kaluluwa. Samantalang ang mga tao'y matiyagang nagsasaliksik, ang Biblia ay nagbubukas ng bagong mga kayamanan ng katotohanan, na kasing liwanag ng mga hiyas sa pag-iisip. Kailangang humukay ka ng malalim sa mina ng katotohanan kung nais mong makita ang saganang kayamanan nito. Sa paghahambing ng kasulatan sa kasulatan, maaari mong matuklasan ang tunay na kahulugan ng talata; ngunit kung hindi mo gagawing panuntunan at gabay ng iyong buhay ang Salita ng Diyos, walang saysay ang katotohanan sa iyo.... BN 22.4

Kung anumang bahagi ng Salita ng Diyos ang humahatol sa anumang kaugaliang iyong itinangi, anuman na damdaming iyong pinasasaan, anumang espiritung iyong ipinakita, huwag tumalikod sa Salita ng Diyos; subalit tumalikod mula sa mga gawang masasama, at hayuaang dalisayin at pakabanalin ni Cristo ang iyong puso. BN 22.5